Pangalagaan ang kalikasan, hamon ng Ecowaste sa mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,433 total views

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections na bawasan ang labis na paglikha ng basura sa pangangampanya at isama ang pangangalaga sa kalikasan sa mga plataporma.

Ito ang panawagan ng grupo sa ginanap na “Kalikasan: Pangalagaan sa Halalan” sa harapan ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila, bago ang pagsisimula ng kampanya para sa mga senador at partylist groups ngayong February 11, at mga local positions sa March 28.

Karaniwan nang nagdudulot ng matinding suliranin sa kapaligiran ang panahon ng eleksyon dahil sa tambak na campaign materials at mataas na konsumo ng enerhiya.

Ayon kay EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Jove Benosa, hindi dapat gamitin ang pangangampanya bilang dahilan upang sirain ang kalikasan, sa halip, may pananagutan ang mga kandidato na pangalagaan ito.

“The desire of a person or group to get elected should not come at the cost of environmental degradation. We therefore appeal to all candidates and other electoral stakeholders to prevent and reduce garbage, and, particularly, to minimize pollution from plastic campaign materials and their toxic chemical additives,” pahayag ni Benosa.

Sa paglulunsad ng Committee on Environmentally Sustainable Elections noong February 7, ipinaalala ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang pagiging kandidato ay hindi lisensya upang sirain ang kalikasan o guluhin ang kapayapaan ng mga mamamayan.

Bilang suporta sa zero waste at toxic-free na lipunan, muling iginiit ng EcoWaste Coalition ang kahalagahan ng paggamit ng campaign materials na maaaring i-recycle at pagsusulong ng eco-friendly waste management upang maiwasan ang pagtatapon o pagsusunog ng campaign materials.

Alinsunod sa mga resolusyon ng COMELEC, pinahihintulutan lamang ang campaign materials na likha sa recyclable materials, habang ipinagbabawal naman ang single-use plastics, paputok, at styrofoam sa campaign events.

“We urge all candidates and their supporters to heed the COMELEC guidelines to make the midterm elections environmentally caring as much as possible,” ayon sa EcoWaste.

Noong 2022 National Elections, umabot sa 20 toneladang plastic campaign materials ang nakolekta araw-araw ng Metro Manila Development Authority.

Dahil dito, patuloy na nananawagan ang Simbahang Katolika na suportahan ang pagbabawal sa single-use plastic at isulong ang responsableng pagtatapon ng basura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 44,335 total views

 44,335 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 72,340 total views

 72,340 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 90,140 total views

 90,140 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 88,241 total views

 88,241 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 197,358 total views

 197,358 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 12,073 total views

 12,073 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top