Pamahalaan, hinamon ng simbahan na bigyan ng regular ang tourism workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,471 total views

Umaapela si Fr.Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pamahalaan na bigyang-pansin ang kalagayan at kapakanan ng mga tourism worker sa bansa.

Iminungkahi ni Fr.Adoviso sa pamahalaan na tiyaking kasama ang mga manggagawa sa sektor ng turismo sa mga inisyatibo na magtataas sa antas ng pamumuhay ng mga manggagawa sa bansa.

Ito ang panawagan ng Pari sa paggunita ngayong araw ng World Tourism Resilience Day upang maalis ang kawalan ng katiyakin sa trabaho at kapakanan ng tourism workers sa Pilipinas.

Tinukoy ng Pari ang pananatiling ‘seasonal’ ng trabaho ng maraming manggagawa sa turismo na hindi kumikita o napakababa lamang ng suweldong natatanggap kung hindi ‘peak season’ ang mga tourist spot sa bansa.

Hinimok ni Father Adoviso ang pamahalaan na isulong ang mga polisiya, batas at programang tutulong na maging regular at tuloy-tuloy ang trabaho ng mga tourism worker.

Tiwala ang Pari na sa pamamagitan nito ay mapapaunlad ang kabuhayan ng mga tourism worker kasabay ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Meron pa silang trabaho na talagang makakapag-paunlad sa turismo sa Pilipinas in other words I am for the regular jobs doon sa mga turismo workers natin especially doon sa mga guide natin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.

Taon-taon ginugunita ng United Nations ang Global Tourism Resilience Day upang kilalanin ang pananatiling matatag ng sektor ng turismo sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya, katulad ng naranasang COVID-19 Pandemic na lubhang ikinalugi ng pandaigdigang sektor ng turismo habang noon 2024 ng ideklara ng UN na itatalaga ang 2027 bilang International Year of of Sustainable and Resilient Tourism.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority aabot sa 16.4-million ang bilang ng mga manggagawa sa sektor ng turismo sa Pilipinas na parehong matatagpuan sa pormal at impormal na sektor ng paggawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 37,910 total views

 37,910 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 59,915 total views

 59,915 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 84,257 total views

 84,257 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 107,636 total views

 107,636 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 140,598 total views

 140,598 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top