Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIR, pinuna ang voluntary tax payments ng social media influencers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,085 total views

Binatikos ng isang mambabatas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil umaasa lamang sa boluntaryong deklarasyon ng buwis mula sa mga social media influencers.

Nais ding malaman ni ACT Teachers Rep. France Castro, kung bakit hindi naipapatupd ng maayos ang pangongolekta ng buwis.

“Yung mga nababayarang content creators, are you monitoring if they are paying taxes to our government?” ayon kay Castro sa ginanap na pagdinig ng TriCom kaugnay sa fake news online.

Nilinaw ni Atty. Yves Gonzalez mula sa YouTube na hindi binabantayan ng kanilang platform kung nagbabayad ng buwis ang mga Filipino content creators.

“On the part of YouTube, we do not. And we believe the local internal revenue service are the ones who are monitoring that,” pahayag ni Gonzalez.

Gayunpaman, inamin ng mga opisyal ng BIR na umaasa sila sa self-reporting ng mga influencers dahil ang kanilang kita ay karaniwang nagmumula sa mga foreign payors.

“As stated by our colleague, we rely only on the voluntary declaration of the influencers in so far as their income because there will be great difficulty in monitoring the same considering that their income primarily comes from foreign income payors,” ayon kay BIR Atty. Tobias Gavin Arcilla.

Hindi nagustuhan ni Castro ang sagot ng BIR at tinanong kung bakit ang ahensya ay umaasa lamang sa boluntaryong deklarasyon sa halip na kumuha ng impormasyon mula sa mga social media platforms.

Paliwanag naman ni Arcilla na may mga limitasyon ang ahensya base sa mga umiiral na batas tungkol sa mga imbestigasyon sa buwis.

“Just to clarify, under existing tax laws, we cannot just investigate any taxpayer. As per existing tax laws, audits are done randomly or based on those who are classified as high risk. That is why we cannot just audit any taxpayer,” paliwanag ni Arcilla.

Ipinunto ni Castro na maaaring may mga kakulangan sa sistema ng buwis na dapat tugunan ng Kongreso.

“In aid of legislation, we have to review yung sinasabi ng ating BIR resource person, na wala sa kanilang mandate na ’yung talagang regular ba o random yung kanilang pag-investigate and monitoring,” dagdag pa ni Castro.

Pinuna naman ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang ‘Google’ kung bakit dapat bayaran ang mga vloggers, kaya’t naeengganyo ang marami na gumawa ng mga video’s kahit marami sa mga ito ay naglalaman ng mga hindi kaaya-ayang salita at nilalaman.

“Kasi I’m sure you will agree with me na maraming mga vloggers na para maka-generate ng mapansin, kaya nagmura. In fact, bastos eh. Di ba? “ ayon kay Barbers.

Sa datos ng YouTube, may 500 hours video ang ini-uupload sa Youtube kada minuto.(marian)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 18,134 total views

 18,134 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 85,622 total views

 85,622 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 106,687 total views

 106,687 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 129,295 total views

 129,295 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 165,685 total views

 165,685 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top