6 na pari ng Diocese of Malolos, ginawaran ng pontifical honor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,755 total reads

Ginawaran ng pontifical honor ng Kanyang Kabanalan Francisco ang anim na pari ng Diocese of Malolos dahil sa dedikasyon at natatanging paglilingkod sa simbahan.

Ayon sa diyosesis kabilang sa mga itinalagang ‘Chaplain to His Holiness’ na hihiranging monsignor sina Fr. Narciso Sampana, Fr. Domingo Salonga, Fr. Leocadio de Jesus, Fr. Florentino Concepcion, Fr. Javer Joaquin, at Fr. Dario Cabral.

Ito ay pagkilala ng santo papa na iginagawad sa mga diyosesanong pari na nagpapakita ng ‘exceptional service’ at paninindigan sa simbahan.

Bilang mga mosignor ay magiging bahagi ito ng Papal Household bilang pagpapakita ng ugnayan sa Holy See.

“It is an honor given to the presbyterium. It is part of how the Church recognizes its ministers, and at the same time, it is a call to greater service to facilitate the various ministerial activities in our diocese,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dennis Villarojo.

Si Fr. Sampana ay kasalukuyang rector at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of St. Augustine sa Baliwag City, Bulacan; si Fr. Salonga naman ang kura paroko ng Nuestra Señora del Carmen Parish o Barasoain Church sa Malolos; si Fr. de Jesus ang kura paroko ng Sto. Niño Parish, Bustos, Bulacan; Director ng Bahay at Yaman ni San Martin de Porres si Fr. Concepcion; si Fr. Joaquin naman ang rector at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora dela Asuncion, sa Bulakan, Bulacan habang si Fr. Cabral ang rector at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador, sa Pulilan, Bulacan.

Taong 1961 nang maitatag ang diyosesis at isa sa mga malalaki at makasaysayang diyosesis sa bansa kung saan sakop nito ang buong lalawigan ng Bulacan kabilang na ang Valenzuela City na bahagi ng National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 48,557 total reads

 48,557 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 85,347 total reads

 85,347 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 118,308 total reads

 118,308 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 169,473 total reads

 169,473 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 231,100 total reads

 231,100 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top