Mga kandidato, pinaalalahanan ng EcoWaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,162 total reads

Pinaalalahanan ng environmental watchdog group EcoWaste Coalition ang mga kandidato sa pagka-senador at partylist groups na huwag maglagay ng campaign materials sa mga poste ng ilaw at kuryente, puno, at iba pang ipinagbabawal na lugar.

Ayon sa grupo, kabi-kabila pa rin ang ilegal na paglalagay ng mga campaign tarpaulin, lalo na sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, at Pasay, sa kabila ng umiiral na Operation Baklas ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 11111, ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa labas ng itinalagang common poster areas, sa pribadong lugar nang walang pahintulot ng may-ari, at sa pampublikong lugar tulad ng kalsada, tulay, pampublikong gusali, paaralan, at puno.

Ayon kay EcoWaste Coalition campaigner Jove Benosa, patuloy ang ‘battle of tarpaulins’ kasabay ng campaign period, kung saan karamiha’y ikinabit sa mga ipinagbabawal na lugar.
“Despite the ongoing Operation Baklas, major and secondary streets in some cities are teeming with propaganda materials, particularly the ubiquitous plastic tarpaulins that are nailed, tacked or tied on lamp posts, utility poles and trees. While not as many as those posted on electric and lamp posts, we also found campaign tarpaulins hanging on electric wires, bridges, pedestrian overpasses, public covered courts and on trees,” ayon kay Benosa.

Dagdag pa ng grupo, mismong mga kandidato na ang dapat kumilos upang matiyak na hindi nasasangkot sa ilegal na pangangampanya.

Hinikayat din ng EcoWaste ang mga kandidato na suportahan ang “Kalikasan: Pangalagaan sa Halalan” campaign, na naglalayong itaguyod ang malinis, ligtas, at makakalikasang eleksyon.
“As a sign of their respect and adherence to the election laws, we appeal to concerned candidates to instruct their campaign workers and supporters to follow the rules and direct them to remove tarpaulins in forbidden sites,” saad ni Benosa.

Noong 2022 National Elections, umabot sa 20 toneladang plastic campaign materials ang nakolekta araw-araw ng Metro Manila Development Authority.

Patuloy namang nananawagan ang Simbahang Katolika na suportahan ang pagbabawal sa single-use plastic at isulong ang responsableng pagtatapon ng basura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,872 total reads

 28,872 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 115,192 total reads

 115,192 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,931 total reads

 161,931 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,803 total reads

 209,803 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 312,341 total reads

 312,341 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,791 total reads

 168,791 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top