31-bilyong pisong pinsala sa kalikasan, idudulot ng Maharlika investment sa Makilala mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,419 total reads

Ikinababahala ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na posibleng umabot sa 31-bilyong piso ang halaga ng pinsala ng Maharlika Investment sa copper-gold project ng Makilala Mining Corporation sa Kalinga.

Ayon kay LRC executive director, Atty. E.M. Taqueban, ang kontrobersyal na P4.42 bilyong pautang mula sa Maharlika Fund para sa proyekto ay maaaring magdulot ng P31.15 bilyong halaga ng pinsala sa kalikasan.

“This is on top of the fact that more than P4-billion of public interest funds that should have been spent on actual social services and sustainable development needs were diverted to a destructive mining project,” ayon kay Taqueban.

Batay sa life cycle assessment ng industriya ng pagmimina, ang tinatayang taunang halaga ng pinsalang dulot ng pagmimina sa buong mundo ay umaabot sa mahigit $5-trilyon.

Inihambing ito sa kabuuang global capitalization ng industriya noong 2024 na $737-bilyon, kung saan tinatayang sa bawat isang dolyar ng kapital sa pagmimina ay may katumbas na pitong dolyar na pinsala sa kalikasan.

Ipinunto ni Taqueban na sa halip na makahikayat ng dayuhang mamumuhunan, lumalabas na ginagamit pa ang Maharlika Fund upang suportahan ang subsidiary ng Australian mining firm na Celsius Resources, Ltd.

“Filipino taxpayers are basically bearing the burden of de-risking a clearly high-risk foreign mining project that is projected to cause both ecological and economic losses. The only way for this mine to be profitable is if the costs are externalized—meaning the polluters will not be made to pay,” paliwanag ni Taqueban.

Isinusulong naman ng grupo ang pagpasa sa House Bill 11008 o Alternative Minerals Management Bill (AMMB) na naglalayong baguhin ang sistema ng pagmimina upang maging mas makakalikasan at nakabatay sa National Industrialization Program, sa halip na pagkuha lamang ng likas-yaman.

Ang AMMB, na unang inihain sa Kongreso noong 2009, ay naglalayong palakasin ang mga batas pangkapaligiran sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagsusuri sa epekto ng pagmimina at pagbuo ng Multi-Sectoral Mineral Councils para sa mas makatarungang pamamahala ng yamang mineral.

Una nang nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan na muling suriin ang pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation, at unahin ang mga industriyang nakapagpapaunlad sa mga pamayanan nang hindi naisasaalang-alang ang kalikasan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 15,246 total reads

 15,246 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 32,393 total reads

 32,393 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 61,046 total reads

 61,046 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 109,311 total reads

 109,311 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 131,400 total reads

 131,400 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 229,550 total reads

 229,550 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 127,790 total reads

 127,790 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top