Mananampalataya, hinimok ng mga Obispo na isapuso ang pagsisi sa kasalanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,945 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco ang mga mananampalataya ngayong Ash Wednesday na gamitin ang panahon ng Kuwaresma upang ipinanalangin sa Panginoon ang ikakabuti ng mundo at kapwa

Hinimok din ng Obispo ang mananampalataya na isapuso ang pagsisi sa mga kasalanan at pag-aayuno.

Inihayag ni Bishop Ongtioco na sa pamamagitan nito ay mapapalalim ang pakikipag-ugnayan kay Hesus at higit na mapalaganap ang pag-ibig ng Panginoon sa pagkalinga sa mga nangangailangan at kapwang mahihirap.

“Sana sa mga pagdiriwang na ating gagawin namnamin natin ang mga ito, hindi sapat na tatanggap tayo ng abo sa noo. Ano ang kahulugan nito? Sinasabi sa atin habang nilalagyan tayo ng abo sa noo “magsisi tayo at at maniwala sa magandang balita” Bahagi ng panampalataya ang isabuhay ito kaya mahalaga na tayo ay makinig sa salita ng Diyos ng may pagmamahal nito at hangarin isabuhay ang mga ito,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Hinikayat naman ni Tarlac Bishop Roberto Mallari ang mga mananampalataya na banal na gunitain ang Kuwaresma sa pagsisimula ng Ash Wednesday at ugaliin ang pagdarasal upang mapatibay ang relasyon sa Panginoon.

Umaasa ang Obispo na katulad ng paghinga upang mabuhay ay higit na manalangin ang mamamayan at gawing mahalagang bahagi ng pamumuhay.

Ipinapaalala din ni Bishop Mallari ang ipakita ang pananampalataya sa panginoon sa pamamagitan ng pagtitika at pag-aayuno.

Ipinagdarasal ng Obispo na ngayong Kuwaresma, sa pamamagitan ng pagsasakrispisyo ay hindi makalimutan ng mamamayan ang pagbabahagi sa mga kapuspalad.

“Inaanyayahan din tayong bigyan ng pansin ang mga gawang kabanalan kagaya ng fasting and abstinence para sa lalong ikaliligaya ng Diyos. Ipakita na kaya nating iwanan ang lahat ng nakakasiya sa atin upang maipakita na ang Diyos ang siyang nag-iisang tunay na yaman natin, ang paglalaan ng mga kawanggawa para sa mga mahihirap at nangangailangan natin mga kapatid. Buksan ang mga mata, puso at kalooban sa kanila na madalas ay hindi pinapansin.Tumulong tayo upang maibalik ang dignidad na madalas ay nawawala o natatabunan ng matinding kahirapan, gawin natin ang mga paanyaya ng Kuwaresma upang lalong mapabilis ang pagkilos ng Diyos sa buhay natin: Upang mapabanalan tayo at maging kaisa tayo sa patuloy na pagliligtas ng Diyos,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Bishop Mallari.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 3,653 total reads

 3,653 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 5,817 total reads

 5,817 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 5,726 total reads

 5,726 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 17,869 total reads

 17,869 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 67,314 total reads

 67,314 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 89,404 total reads

 89,404 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 189,225 total reads

 189,225 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 221,535 total reads

 221,535 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top