Lahat ng volunteers, kinilala ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,574 total reads

Pinasalamatan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lahat ng volunteer’s ng lipunan na naglalaan ng panahon para paglingkuran ang kapwa.

Sa pagdiriwang ng Jubilee of the world of Volunteering binigyang diin ng santo papa na mahalagang papel sa pamayanan ang ginagampanan ng mga volunteers lalo ngayong mas binibigyang pansin ang sariling interes para kumita.

Sinabi ni Pope Francis na ang pagboluntaryo ay pagsasabuhay sa turo ng Panginoon na maglingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangang sektor.

“Volunteering is prophecy and a sign of hope, because it bears witness to the primacy of gratuitousness, solidarity and service to those most in need. I express my gratitude to those who are engaged in this field: thank you for offering your time and abilities; thank you for the closeness and tenderness with which you care for others, reawakening hope in them,” ayon kay Pope Francis.

Binanggit ng santo papa na sa kanyang pananatili sa Gemelli Hospital mula noong February 14 ay naranasan din nito ang pagkalinga at pag-aalaga ng mga medical professionals na karaniwang nagsasagawa ng volunteer at charity works sa lipunan upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga dukha.

Muling tiniyak ng lider ng isang bilyong katoliko sa mundo ang pakikilakbay sa mga may karamdaman at ang pananalangin para sa katatagan at kagalingan.

“I think of the many people who in various ways are close to the sick, and who are for them a sign of the Lord’s presence. We need this, the “miracle of tenderness” which accompanies those who are in adversity, bringing a little light into the night of pain,” dagdag ni Pope Francis.

Pinasalamatan ng santo papa ang lahat ng nagpaabot ng mensahe at nag-alay ng panalangin sa kanyang paggaling kasabay ng paanyayang makilahok sa mga gawain ngayong kuwaresma at sa nalalapit na Paschal Triduum na makatutulong mapalago ang espiritwalidad ng mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,398 total reads

 28,398 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,355 total reads

 65,355 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,566 total reads

 83,566 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,894 total reads

 167,894 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,972 total reads

 203,972 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,875 total reads

 3,875 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top