Dating pangulong Duterte, hinamon ng Obispo na harapin ang war crimes sa ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,953 total reads

Naniniwala ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon na upang harapin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pananagutan sa marahas na implementasyon ng kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating Pangulo sa kasong war against humanity.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, ang tunay na katarungan ay walang kinikilingan sapagkat walang sinuman ang mas nakahihigit sa batas.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, ang katarungang panlipunan ay nangangahulugan ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat mamamayan at pagpapanagot sa sinumang magsantabi sa karapatang pantaong tinataglay ng bawat isa.

“For years, former President Duterte has claimed that he is ready to face the consequences of his actions. Now is the time for him to prove it… True justice is not about political allegiance or personal loyalty—it is about accountability, transparency, and the protection of human dignity. We urge Duterte to uphold his own words and submit himself to the legal process.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Naniniwala rin si Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminasa na marapat lamang na managot ang lahat ng mga may kaugnayan at sangkot sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasting Duterta upang mabigyan ng katahimikan, at katarungan ang bawat biktima at kanilang mga naiwang mahal sa buhay.
Iginiit rin ni Bishop Alminaza na mahalagang magkaisa ang lahat upang matiyak na hindi na muling mauulit pa ang paglaganap ng karahasan at pagsasantabi sa karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

“These killings were not random; they were part of a policy that violated the fundamental right to life… The families of the victims deserve truth, reparations, and justice. As a nation, we must ensure that such crimes never happen again.” Ayon kay Bishop Alminaza.

Paliwanag pa ng Caritas Philippines kinakailangang seryosohin ng pamahalaan ang pagtutok at pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao ng bawat mamamayan lalo’t higit ang pagkakaroon ng patas na katarungang panlipunan para sa lahat.

Matatandaang una na ring nanawagan ang Simbahan at mga human rights group sa kasalukuyang administrasyong Marcos na tuluyang isantabi ang marahas na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte at makibahagi sa imbestigasyong isinasagawa ng ICC upang bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 111,729 total reads

 111,729 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 249,660 total reads

 249,660 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 365,436 total reads

 365,436 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 481,396 total reads

 481,396 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top