Dating pangulong Duterte got what he wanted

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,843 total views

Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng simbahan na ang pangyayaring ito ay isang mahalagang paalala tungkol sa pananagutan ng mga nasa kapangyarihan.

“Former President Duterte got what he wanted,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Public Affairs na tumutukoy sa dating pangulo na ilang ulit na hinamon ang ICC nang pag-aresto sa kaniya.

Ngunit nilinaw ng pari na ang pag-aresto kay Duterte ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng kanyang pagkakasala. “His arrest, though, doesn’t mean he’s guilty of the accusations hurled against him. It’s merely the start of a long process of determining accountability.”

“What happened to Duterte should be a reminder that power, if abused, has adverse consequences.”

Ayon sa kanya, ang pag-aresto kay Duterte ay isang proseso ng hustisya na dapat sundan ng mas malalim na imbestigasyon at patas na paglilitis. Sa kabila ng kontrobersiya, ipinahayag ng Simbahan ang paninindigan sa katarungan at pananagutan, anuman ang estado sa buhay ng isang tao.

Itinuring naman ni Fr. Flavie Villanueva, ang pagkakaaresto bilang isang mahalagang hakbang sa pagkamit ng katarungan ng mga biktima ng extra judicial killings at mga naulila sa ipinatupad na war against illegal drugs ng nakalipas na administrasyon.

“Ang pag-aresto sa arkitekto ng War on Drugs na si Rodrigo Duterte ay isang pagpapahayag ng hustisya—isang hakbang na bumigkis sa Diyos,” pahayag ni Fr. Villanueva sa isang panayam.

Gayunpaman, binigyang-diin ng pari na hindi dapat magtapos ang pananagutan kay Duterte lamang. Kanyang iginiit na ang mga pangunahing tagapagpatupad ng War on Drugs, kabilang ang mga matataas na opisyal ng nakaraang administrasyon, ay dapat ding papanagutin.

“Dapat isunod dito pagkatapos ng arkitekto ang mga operator—may dalawang senador, si Bong Go at si Bato dela Rosa. Ang kanyang anak na bise presidente na may kinakaharap na impeachment case ay dapat ding managot. Ganoon din ang mga dating hepe ng pulisya na naging kasangkapan sa patayang naganap,” dagdag niya.

Si Fr. Villanueva ay kilala sa pagtataguyod ng katarungan para sa mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings (EJKs) na naganap sa ilalim ng War on Drugs ng dating administrasyong Duterte kung saan humarap din siya sa isinagawang pagdinig ng Quad Committee ng Kamara sa isyu ng war on drugs kasama si dating Senator Leila de Lima.

Isa siya sa mga pangunahing personalidad na kumakalaban sa impunity at nagsusulong ng rehabilitasyon at proteksyon para sa mga naulila ng madugong kampanya kontra droga. Siya rin ang tagapagtatag ng Program Paghilom, isang inisyatiba na tumutulong sa mga pamilya ng EJK victims sa pamamagitan ng psychosocial healing, at legal assistance.
Pinuri rin ni Fr. Villanueva ang ginampanan ng kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Duterte, bagamat inamin niyang maaaring may bahid ng pulitikal na hidwaan sa pagitan ng mga dating magkakampi.

Sa kabila ng pag-aresto, iginiit ni Fr. Villanueva na ito ay simula pa lamang ng mas malawak na laban para sa hustisya. Hinimok niya ang publiko, lalo na ang Simbahan, na manatiling matatag sa panawagan para sa pananagutan at pambansang paghihilom.
“Hindi na dapat matakot, hindi na dapat matakot ang Simbahan. Patuloy tayong makikiisa sa tagumpay na ito, sa hinahangad nating paghilom at katarungan,” pagtatapos niya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,828 total views

 7,828 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,762 total views

 181,762 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,395 total views

 159,395 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 223,284 total views

 223,284 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,512 total views

 242,512 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top