Pasay city jail, binisita ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,085 total views

Binisita ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Pasay City Jail noong March 11 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Simbahan sa Taon ng Hubileyo.

Sa pagninilay sa banal na Misa, ibinahagi ni Cardinal Advincula ang mensahe ng pag-asa, pagbubukas ng puso, at pananalig sa Diyos.

Ikinuwento ng kardinal ang makahulugang pagbubukas ni Pope Francis ng Hubileyo ng Pag-asa sa isang bilangguan sa Roma—isang simbolo hindi lamang ng pagbubukas ng pinto kundi ng puso sa awa at pagmamalasakit.

“Makahulugan ang larawan ng pagbubukas ng pinto, ngunit higit na mahalaga ang kahulugan nito—ang pagbubukas ng ating mga puso. Bukas na puso. At ito ang nagbubuklod sa atin bilang magkakapatid. Hadlang sa pakikipagkapwa ang mga pusong sarado, ang pusong nagmamatigas. Kaya naman, ang biyaya ng hubileyo ay ang pagbubukas ng ating mga puso sa pag-asa—ang pag-asa sa awa ng Diyos na hindi tayo kailanman bibiguin,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula ang lumalaganap na kultura ng “wala akong pakialam,” kung saan inuuna ng tao ang pansariling interes habang naisasantabi ang malasakit sa kapwa at sa Diyos.

Pinaalala rin ng kardinal sa mga PDLs ang diwa ng panalanging itinuro ni Hesus—ang “Ama Namin,” na nagtuturo hindi lamang ng paggalang sa Diyos bilang Ama kundi ng pagturing sa kapwa bilang magkakapatid at ang kahalagahan ng malasakit sa isa’t isa.

“Kaya nga ang panalangin ay bukal ng pag-ibig. Dahil natuklasan natin na mahal tayo ng Diyos, dumadaloy ang pagmamahal na ito sa malasakit sa ating kapwa. Dahil tiyak tayo na sagot ng Diyos ang ating mga pangangailangan, kaya nating sambitin sa panalangin na tayo ang bahala sa kapwa natin,” ayon sa cardinal.

Hinimok naman ni Cardinal Advincula ang mga PDLs na huwag mawalan ng pag-asa, sapagkat habang may pag-asa, may makabuluhang buhay na nagmumula sa pagmamahal ng Diyos at ng kapwa.

Nakatuwang ng kardinal sa pagdalaw sa Pasay City Jail sina Our Lady of Sorrows Parish Parish Priest Fr. Cris Robert Cellan, SSP at attached priest, Fr. Edward Dantis, SSP.

Itinalaga ng Archdiocese of Manila ang Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City bilang Jubilee Church para sa PDLs at kanilang mga pamilya.

Bilang bahagi ng Taon ng Hubileyo, itinakda ang Jubilee of Prisoners sa December 14, 2025, upang bigyang pagkakataon ang mga nakapiit na magnilay at magbagong-buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 15,390 total views

 15,390 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 58,998 total views

 58,998 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 143,425 total views

 143,425 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 159,489 total views

 159,488 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 4,134 total views

 4,134 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top