18-biktima ng EJK sa war on drugs ng dating Pangulong Duterte, nailibing na sa “dambana ng paghilom”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,759 total reads

Mapayapang nailibing ang labi ng 18-biktima ng extra judicial killing sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘Dambana ng Paghilom’ ng Arnold Janssen Foundation sa La Loma cemetery sa Caloocan City.

Ayon kay AJF President at Founder Father Flavie Villanueva, SVD., kasabay nito ang magandang balita para sa pamilya ng mga biktima ng war on drugs,ang pagkaaresto kay Duterte na simbolo ng paghahari ng liwanag laban sa kasamaan.

Umaasa ang Pari na hindi na maulit pa sa Pilipinas ang mga kaparehong pangyayari kasabay ng paanyaya sa mga Pilipino na gamitin itong pagkakataon upang patuloy na maglakbay sa buhay dahil sa kabila ng mga suliranin ay makakamtan ang katarungan ang kalayaan.

“Munting mensahe sa ating mga nanay, sa mga lola, sa mga pamilya nang biniktima ay gaya ng pagkalugmok natin sa dilim yung pagkaaresto ni Duterte ay sagisag na ang dilim ay mapapawi nang liwanag, hindi kailanman at hindi magtatagal ang dilim at dito lumalakad tayo paabante, upang makamtam natin yung isang mahalagang hugis ng katarungan na ating inasam simula na nagkaroon ng ganitong klaseng bangungot na ang tawag ay Duterte,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Villanueva.

Paalala ng Pari sa naiwang pamilya ng mga biktima ng EJK na kasama nila ang simbahan sa anumang hamon na maaring kaharapin sa buhay.

Iginiit ng Pari na sinumang naghihirap sa lipunan ay nilalapitan ng Panginoon sa pamamagitan ng simbahan na handang umagapay at tulungan ang nasasadlak sa kahirapan, mga biktima ng kasamaan, kasiman at kadiliman.

“Huwag nating kalimutan ang pananampalataya ay hindi lang isang hugis, ang pananampalataya ay nagsisimula sa- pero umaabot lalo’t higit sa mga mahihirap, ang pananampalataya ay isinasabuhay lalong higit kung may naghihirap, namatayan, ang mga pinatayan at mga taong walang kakayanang magsalita, for Sure the church has a prophetic voice na prophetic mission to live, let us live this mission just as Christ did, wag tayong magpatinag, natinag na tayo nang ilang panahon noong panahon ni Duterte, tuldukan na natin itong takot na ito at tayo ay tumayo, tumindig at maging tinig ng mga walang tinig,” bahagi pa ng panayam ni Fr.Villanueva sa Radio Veritas.

Taong 2016 ng itatag ng Arnold Janssen Foundation sa pangunguna ni Fr.Villanueva ang Program Paghilom na ngayon ay kinakalinga ang may 370-pamilya ng mga EJK Victims.

May 2024 ng pormal na isapubliko at italaga ang Dambana ng paghilom bilang kauna-unang EJK Memorial Site para sa mga biktima ng War On Drugs Campaign ni Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 111,738 total reads

 111,738 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 249,669 total reads

 249,669 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 365,445 total reads

 365,445 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 481,405 total reads

 481,405 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 97,804 total reads

 97,804 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top