Pagpapalawak ng debosyon kay San Isidro Labrador, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,775 total reads

Sisikapin ng Diocesan Shrine of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan ang patuloy na paggawa ng mga hakbang na mapalawak ang debosyon kay San Isidro Labrador.

Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest, Msgr. Dario Cabral bilang dambana ni San Isidro Labrador ng Diocese of Malolos pangunahin nitong gawaing pagbuklurin ang mga parokya at kapilyang nakatalaga sa santo upang ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro.

“Bilang diocesan shrine naging responsibilidad namin na i-coordinate at magkaroon ng linkage ang lahat ng San Isidro Labrador Parishes and chapels na magtipon once a year na dapat ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro na paalala sa lahat lalo na sa mga tumatalikod sa Diyos na patuloy pakinggan ang tawag ng Diyos sa kabanalan,” pahayag ni Msgr. Cabral sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na sa inisyatibo ng dambana ay ginamit nitong pagkakataon ang canonization ng patron upang ipagdiwang ang kabanalan ni San Isidro Labrador sa pamamagitan ng paglunsad ng Grand Isidorian Procession.

Ikinatuwa ni Msgr. Cabral na bukod sa mga parokya at kapilyang nakatalaga kay San Isidro sa diyosesis ay nakilahok din sa gawain ang iba pang mga parokya ni San Isidro mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nitong March 12 sa 403rd canonization anniversary ng santo nasa 11 parokya ang lumahok sa pagdiriwang kung saan bago ang prusisyon ay pinangunahan ni Msgr. Cabral ang Banal na Misa.
Tinuran din ng pari na bilang patron ng mga magsasaka si San Isidro ay nililingap din nito ang sektor ng agrikultura kung saan noong 2022 sa ikaapat na sentenaryo ng pagiging banal ay inilunsad ng dambana ang national convention para sa mga magsasaka na layong hubugin ang kanilang espiritwalidad ayon sa mga halimbawa ni San Isidro.

“May convention para sa mga magsasaka hindi lamang para ma-develop ang kanilang pangkabuhayan kundi mahubog din spirituality ng magsasaka sa farming, ecology at love for environment,” ani ng pari.

Binigyang diin ni Msgr. Cabral na ang mga pagdiriwang sa buhay ni San Isidro ay paanyayang pagtuunan ang tawag ng kabanalan at isulong ang pagtataguyod sa kultura at mga tradisyon.
Samantala ipinagpasalamat din ni Msgr. Cabral ang pagkakataong tinanggap ang pagkilala bilang monsignori ng simbahang katolika noong March 11 isang araw bago ang canonization anniversary ni San Isidro na pawang mahalaga sa kanyang bokasyon sa pagpapari.

“Magandang okasyon na lingunin ang pagkapari; nakikita ko rito ang significance of the role of the priest in making the call of God to holiness more loudly and clearly listened to. Lahat ng pagkakataon dapat makita nating itinuturo tayo nito patungo sa Diyos na tumatawag sa atin sa kabanalan,” giit ni Msgr. Cabral.

Si San Isidro Labrador ay ganap na naging santo noong March 12, 1622 sa ritong pinangunahan ninoo’y Pope Gregory XV kasabay sina Sts. Ignatius, Francis Xavier, Teresa, at Philip Neri.
Kilala ang santo sa pagiging masigasig na mananampalatayang maagang gumigising at naglalaan ng oras sa Panginoon sa tuwing umaga bago tumungo sa kanyang bukirin at nagsasagawa ng pilgrimage sa mga simbahan sa Madrid Spain at kalapit na mga lugar kasama ang kanyang maybahay na si St. Maria de la Cabeza.

Bukod sa pagiging patron ng mga magsasaka at rural commuities kilala rin itong pintakasi ng Madrid, Spain.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 31,633 total reads

 31,633 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 133,489 total reads

 133,489 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 218,858 total reads

 218,858 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 265,595 total reads

 265,595 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 313,467 total reads

 313,467 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 410,708 total reads

 410,708 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top