Hindi dapat maging hadlang ang ‘utang ng loob’ sa pagkamit ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,664 total views

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Press Officer Atty. Clarissa Castro sa naging ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na walang utang ng loob si President Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapakulong sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity sa The Hague,Netherlands.

Ayon kay Castro, taong 2016 nang ihayag ng noo’y senador pa lamang na si Marcos Jr. ang pasasalamat at pagtanaw ng utang ng loob sa pamilya Duterte sa pagpapalibing sa labi ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. , sa Libingan ng mga Bayani.

“Pero ang pagtanaw ng utang ng loob ay hindi dapat madiskaril at hindi dapat magtraydor sa batas at sa hustisya,” ayon kay Castro.

Sa kabila nito sinabi ni Castro ang pagpapalibing kay Marcos Sr., ay naayon rin sa batas (RA 289) na pinagtibay pa ng Presidential Proclamation 208 ng dating Pangulong Marcos, at sinusugan din ng regulasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) G 161-373 na nagsasabing kabilang ang Pangulo o Commander.-in-Chief na may karapatan na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.
Sinabi naman sa turo ng Simbahan ang kahalagahan ng utang na loob, subalit hindi dapat maging hadlang sa katarungan, lalo na kung ito ay ginagamit upang protektahan ang maling gawain ng isang tao.

Ipinapaalala ng Simbahan na ang tunay na pananampalataya ay hindi dapat magbulag-bulagan sa katiwalian o maling gawain dahil lamang sa utang na loob.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,485 total views

 59,485 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 55,354 total views

 55,354 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,556 total views

 91,556 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,835 total views

 99,835 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 124,221 total views

 124,221 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top