Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa, tiniyak ng DOLE-OSHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,990 total views

Tiniyak ng Department of Labor and Employment – Occupational Safety and Health Center (DOLE-OSHC) ang pinaigting na pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa lugar ng paggawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at Artificial Intelligence (AI).

Ipinangako ito ng DOLE-OSHC sa paglulunsad ng Occupational medicine week gamit ang occupational medicine na sistema ng health care system na nakatuon sa digitalization at paggamit ng AI.

Ayon kay DOLE-OSHC Executive Director Engineer Jose Maria Batino, mapapangalaan ang kalusugan ng mga manggagawa gamit ang makabagong teknolohiya at sa tulong mga employer.

“Well it has to start from within the company, there should be a way of neutralizing what is perceived negatively by their employees towards digitalization so resources would have to come in for them to be trained and capacitated because on hand,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Batino.

Inihayag ni Batino na sa tulong ng maayos na pagtuturo sa mga manggagawa ay higit na mauunawaan na makakabuti ang paggamit ng mga teknolohiya at AI sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan.

“Initially many would be afraid to jump to upgrading and digitalization, but once they realize the value added to it, once they realize how effective and efficient they can be with the systems and application then eventually they woud learn,” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Batino.

Idinaos ang 3rd Occupational Medicine Week sa temang ‘Digital Technology in Occupational Medicine Practice’ upang mapalalim ang kaalaman ng mga manggagawa.

Ayon sa pag-aaral ng nangungunang employment website sa Southeast Asia na ‘JobStreet’ noon November 2024, 35% ng mga Pilipino ang naniniwalang magiging dahilan ang malawakang paggamit ng AI sa pagkawala ng kanilang trabaho habang 82% naman ang naniniwalang higit na mababago ng AI ang mga nakagawiang trabaho nang mga Pilipino.

Unang isinulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang wastong paggamit ng AI at makabagong teknolohiya upang higit na maisulong ang pananampalataya at higit na mapaigting ang pakiisa ng mga kabataan sa simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 39,768 total views

 39,768 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 107,256 total views

 107,256 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 128,321 total views

 128,321 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 150,349 total views

 150,349 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 184,823 total views

 184,823 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top