Special daily mass para kay dating pangulong Duterte, itinanggi ng Archdiocese of Cagayan de Oro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,161 total views

Nilinaw ng Archdiocese of Cagayan de Oro na ang banal na misa ay bukas para sa lahat na nais makibahagi sa piging ng Panginoong Hesukristo.

Ito ang tugon ni Archbishop Jose Cabantan sa alegasyong nagsasagawa ng special daily mass ang Saint Augustine Metropolitan Cathedral para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa kahilingang pagpapabalik sa bansa makarang arestuhin at madetine sa The Hague Netherlands.

Ayon sa arsobispo ang misa sa alas 5:30 ng hapon ay para lahat ng mga nagnanais dumalo ng misa at hindi ekslusibo sa ilang grupo.

“The Holy Mass is a sacred act of worship where the faithful gather to lift up their personal and communal intentions to God. It is never exclusive to any one person, group, or political cause,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cabantan.

Nilinaw din ni Archbishop Cabantan na ang mga placards na naglalaman ng mensahe para sa dating punong ehekutibo na inilagay sa labas ng katedral ay dala ng ilang tagasuporta na dumalo sa misa.

Tiniyak ng arsobispo na mananatiling lugar ng pananalangin at pagbubuklod ng mamamayan ang mga simbahan sa bansa.

“While the Church welcomes all to bring their prayers before God, it remains committed to its mission of universality and neutrality, ensuring that places of worship remain spaces of faith, reflection, and unity. The Church remains a mother to all, embracing everyone with pastoral care, without taking sides in political conflicts,” ani ng arsobispo.

Sinabi ni Archbishop Cabantan bilang pastol ng arkidiyosesis hinimok nito ang mga kristiyanong patuloy ipanalangin ang pagkakamit ng kapayapaan, pagkakaisa at pag-iral ng katarungan sa pamayanan.

Aniya nawa’y maging daan ng pagkakasundo ang bawat isa at umapelang iwasan ang pagbabahagi ng mga maling impormasyon na maaring magdudulot ng kalituhan sa mamamayan.

“As followers of Christ, we must rise above divisions and be instruments of reconciliation and truth. We urge everyone to seek truth from official Church sources and reject misinformation that sows discord,” dagdag pa ni Archbishop Cabantan.

Samantala una nang hiniling ni Davao Archbishop Romulo Valles sa mananampalataya ang kahinahunan at hinimok ang bawat isa na iwasan ang tunggalian sa halip ay ipanalangin ang kasalukuyang naransang tensyong pulitikal sa bansa na nawa’y sa tulong ng Panginoon ay iiral ang pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at katarungan tungo sa isang mapayapang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,789 total views

 7,789 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,723 total views

 181,723 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,356 total views

 159,356 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 223,245 total views

 223,245 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,475 total views

 242,475 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top