Bigyang pahinga ang inang kalikasan, panawagan ni Bishop Santos sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,568 total views

Makikiisa ang Diyosesis ng Antipolo sa pagdiriwang ng Earth Hour 2025 bilang pagkilala at pagbibigay-pahinga sa daigdig—ang inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, ang taunang paggunita ay hindi lamang para sa isang oras na pagpapatay ng mga kagamitang de-kuryente, kundi isang malalim na panawagan upang tumigil sandali, magnilay, at kumilos bilang mga katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

“As we prepare our hearts and minds for Earth Hour 2025… I invite you to join me in embracing this hour through a pledge, a practice, and a prayer that honors the gift of our shared home,” bahagi ng mensahe ni Bishop Santos mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat ng obispo ang bawat isa na mangako at manindigan sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang tulad ng pagbabawas ng paggamit ng enerhiya, pagtatanim ng mga puno, pagbabawas ng mga basura, at pagsusulong ng mga patakarang nangangalaga sa mundo.

Hamon din ni Bishop Santos sa lahat na gawing kasanayan ang diwa ng Earth Hour–tulad ng paglalaan ng isang oras bawat linggo para sa “creation rest,” kung saan iiwasan muna ang paggamit ng electronic devices, bibigyang-tuon ang mga makabuluhang bagay, at pahahalagahan ang kagandahan ng kalikasan.

Inaanyayahan din ng obispo ang lahat na sa paglalaan ng banal na oras para sa daigdig, ay isama rin ang pag-aalay ng panalangin para sa Diyos na Maylikha ng lahat.

“Dear friends, as the hour approaches, let us not think of it as an ending, but as a beginning—a spark that lights the way to greater reverence for creation and a deeper sense of our responsibility to it. Let this Earth be a beacon, not just for the sixty minutes it enfolds, but for the lives it inspires. May our participation be a pledge, a practice, and a prayer,” ayon kay Bishop Santos.

Prayer for Earth Hour

O Lord, whose hands formed the heavens and the earth,
we bow before You in humility and gratitude.

Forgive us for the ways
we have misused and neglected
the gifts of Your creation.

Teach us to tread lightly upon the earth,
to cherish its beauty,
and to care for it with diligence and love.

May this hour of stillness inspire in us
a deeper commitment to Your call to be faithful stewards.
Through Jesus Christ our Lord, Amen.

Isasagawa naman ng kapanalig na himpilan ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2025 Special” ngayong Sabado, March 22, 2025, mula 8:00-10:00 ng gabi, kung saan hinihikayat ang lahat na patayin ang ilang kagamitang de-kuryente mula 8:30-9:30 ng gabi at manalangin ng Santo Rosaryo.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 218,750 total views

 218,750 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 248,974 total views

 248,974 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 275,618 total views

 275,618 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 370,591 total views

 370,591 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 377,458 total views

 377,458 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top