Pro-environment at pro-human rights candidate, ihalal sa May 2025 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,036 total views

Hinimok ng pinuno ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na tiyaking ang ihahalal na kandidato sa 2025 Midterm elections ay may paninindigan para sa kapakanan ng kalikasan at karapatang pantao.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalagang suriing mabuti ang ‘credentials’ ng mga kandidatong tunay na itinataguyod ang kapakanan ng mamamayan at ng inang kalikasan.

Ginawa ni Bishop Bagaforo ang panawagan sa press conference ng Green Agenda Coalition noong March 21, 2025 sa isang restaurant sa Quezon City, kung saan inilunsad ang kampanyang Green Agenda 2025 kasama ang iba’t ibang environmental at human rights groups.

“The 2025 elections present a crucial opportunity for Filipinos to elect leaders who will uphold environmental protection and sustainable development. We cannot allow destructive policies and greed to dictate our future,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Inilahad sa nasabing pagtitipon ang 11-Point Green Agenda, na tumutukoy sa mga polisiyang kailangang isulong ng mga kandidato para sa nalalapit na halalan.

Layunin nitong hamunin ang mga kandidato na mangakong ipagtatanggol ang kalikasan at bigyang-kapangyarihan ang mga botante na pumili ng mga lider na tunay na nagmamalasakit sa likas na yaman at sa kinabukasan ng bansa.

Kabilang sa mga prayoridad ng Green Agenda ang pangangalaga sa kalikasan, maayos at pangmatagalang pamamahala ng lupa at likas na yaman, pagsusulong ng katarungang pangklima at renewable energy, paggalang sa karapatan ng mga katutubo, at edukasyong pangkalikasan para sa ligtas at masaganang kinabukasan.

Iginiit naman ni Bishop Bagaforo na ngayon na ang tamang panahon para kumilos sa pamamagitan ng matalinong pagboto upang tunay na maisulong ang pagtugon sa mga suliraning nangyayari sa kapaligiran at mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino.

“It’s time for governance that prioritizes both people and the planet,” giit ni Bishop Bagaforo.

Bilang bahagi ng kampanya, inilunsad din ng Green Agenda Coalition ang “G na Kay Gina, G na for Green Agenda” — isang makabago at masiglang paraan upang hikayatin ang suporta para sa kilusan.
Ang “G na,” isang salitang Gen Z na nangangahulugang “Game Na!” o “Go Na!”, ay nagsisilbing panawagan sa pagkilos, lalo na sa kabataan, upang aktibong makiisa sa pagsusulong ng mas luntian at mas ligtas na kinabukasan.

Layunin ng kampanya na ipakilala at isapuso ang Green Agenda sa pamamagitan ni Gina Gascon, isang avatar na kumakatawan sa diwa ng kilusan, na ang pangalan ay bilang pagpupugay sa dalawang haligi ng adbokasiya para sa kalikasan at karapatang pantao — ang yumaong sina Gina Lopez at Chito Gascon.

Nakasaad sa Evangelii Gaudium ni Pope Francis ang kanyang panalangin na madagdagan pa ang mga pulitikong tapat sa kanilang mga tungkulin at nakahandang tumugon para sa kabutihan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,190 total views

 51,190 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,059 total views

 47,059 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,261 total views

 83,261 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,860 total views

 91,860 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,858 total views

 116,858 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top