Mamamayan, hinimok ng Obispo na manatiling maging mahinahon sa mga kaguluhan sa politika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,253 total views

Pinaalalahanan ni Dipolog Bishop Severo Caermare, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang mananampalataya na magbuklod tungo sa kapayapaan at pagpapahalaga ng dignidad ng bawat isa.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagkahati-hati ng mamamayan sa kontrobersiyang pampulitika at pang ekonomiya.

Tinuran ni Bishop Caermare ang usapin ng paglilipat ng pondo ng Philhealth, pagbenta ng mga Gold Reserves ng bansa, kontrobersiya ng Maharlika Funds, labis na pagtaas ng National Budget at ang pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Apela ng obispo sa mga pari at relihiyoso na manatiling walang pinapanigan sa halip ay gampanan gawaing magbubuklod sa mamamayan.

“Kini nga pahimangno (Presbyterorum Ordinis, 6) sa Vaticano II maglamdag ug maggiya kanuna kanato nga dili mahimong ‘partisan’ kondili mga magsasangyaw ug mga saksi sa kahiusahan diha sa ating mga wali ug nagkadaiyang matang sa pagpangalagad sa katawhan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Caermare.
(Ang paalalang ito (Presbyterorum Ordinis, 6) mula sa Ikalawang Konsilyo ng Vaticano ay nagbibigay-liwanag at gumagabay sa atin upang hindi maging ‘partisan’ kundi maging mga tagapangaral at saksi ng pagkakaisa sa ating mga homoliya at iba pang paglilingkod sa komunidad.)

Hinimok din ni Bishop Caermare ang mga layko na manatiling nakapanig sa katotohanan at mahigpit na pinag-iingat laban sa fake news.

Binigyang diin ng opisyal na ang mga maling impormasyon ay lubhang mapanganib kaya’t dapat itong iwasan lalo na kung layunin lamang ng pag-share nito online ay makapagdagdag ng followers at hangaring pagkakitaan ang fake news.

“Ang mga ‘fake news’ sa multimedia makapahaling lamang og kasuko, ingon man, makapasamot sa ating pagkabahinbahin…maong magmaigmat unta kita niing maong mga hulga ug mamahimo unta kitang mga saksi sa Gahum sa kamatuoran,” dagdag ni Bishop Caermare.

(Ang mga ‘fake news’ sa multimedia ay maaaring magdulot lamang ng galit at magpapalala sa pagkakawatak-watak ng mamamayan… kaya’t maging mapanuri tayo sa mga banta na ito at maging mga saksi ng katotohanan.)

Umapela rin si Bishop Caermare sa pamahalaan, militar at puwersa ng kapulisan na ipatupad ang ‘rule of law’ at gampanan ang tungkulin nang buong katapatan upang maiwasan ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan.

Kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee Year sa temang ‘Pilgrims of Hope’ sinabi ni Bishop Caermare na nawa’y manatiling buhay ang pag-asa ng bawat isa sa pamamagitan ng pakikialam at patuloy na pananalangin sa kabutihan ng bayan.

Pinaalalahanan din ng obispo ang mga botante na anumang tulong na ipinamamahagi ng mga politiko ay hindi dapat maging batayan sa paghalal ng mga mabuting lider ng bayan.

“Uban sa paglaum ug tinguha sa limpyo ug malinawon nga eleksyon, kita kanunay magbaton og masusihon nga hunahuna ug diskusyon nga ang mga ‘hatag-tabang’ sa gobyerno, dili iya sa kandidato kay gikan man sa buhis sa mga tawo ug dili mahimo nga ihatag sa tawo bugti sa sagrado nga boto,” giit ni Bishop Caermare.

(Kasabay ng pag-asa at hangarin para sa isang malinis at mapayapang halalan, dapat tayong maging mapanuri sa pag-iisip at talakayan na ang mga ‘ayuda’ mula sa gobyerno ay hindi pag-aari ng kandidato, sapagkat ito ay mula sa buwis ng mamamayan at hindi maaaring ipagkaloob kapalit ang sagradong boto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 54,169 total views

 54,169 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 76,174 total views

 76,174 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 100,516 total views

 100,516 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 123,587 total views

 123,587 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 155,208 total views

 155,208 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top