Prayer for reconciliation, ibinahagi ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,316 total views

Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagkakaisa at paghilom ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na bangayan dahil sa magkakaibang pananaw sa usaping pampulitika at panlipunan.

Ayon sa obispo nawa’y mangibabaw sa mamamayan ang pagpapatawad at sa diwa ng habag at awa ng Panginoon ay iiral ang pagpapakatao na may paggalang at pagpapahalaga sa kapwa para sa kinabukasan ng bansa.

“Lord, we pray for reconciliation. Let past grievances and wounds be healed by Your mercy. May those who are divided by politics and opposing views find unity in shared dreams for a better tomorrow. Let kindness and understanding triumph over hostility and division. Teach all of us to see humanity in one another, to respect and honor differences, and to work hand-in-hand to build a brighter future,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Kasunod ng pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court magkahati ang pananaw ng mga Pilipino sa usapin.

Bukod pa rito ang iba pang mahahalagang usapin ng bayan partikular ang nalalapit na halalan ng bansa sa May 12 kung saan kadalasang nagsisiraan ang mga kumakandidato at mga tagasuporta sa panahon ng pangangampanya.

Dalangin ni Bishop Santos ang kahinahunan at kaliwanagan ng isip ng mga lider ng pamahalaan na maging tapat sa kanilang tungkulin sa bayan na pangunahan ang pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa nasasakupan.

“Lord, we bring before You the leaders of this land. We ask for Your wisdom to fill their hearts, that they may govern with humility, integrity, and a sincere desire to serve their people. May those who are in authority choose the paths of selflessness and collaboration for the common good. Let justice, honesty, and compassion be the pillars of their leadership,” ani Bishop Santos.
Umaasa ang obispo na magamit sa wastong pamamaraan ang mga mapagkukunan ng bansa na mapakikinabangan ng bawat Pilipino gayundin ang pag-iral ng katotohanan at katarungan upang manaig ang pangkabuuang kapayapaan.

Hiniling din ng obispo sa Panginoon ang pananahan sa puso ng bawat isa upang manatiling matatag sa anumang hamong kakaharapin at patuloy na manindigan sa diwa ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 34,775 total views

 34,775 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 56,780 total views

 56,780 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 81,122 total views

 81,122 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 104,600 total views

 104,600 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 137,798 total views

 137,798 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top