CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,144 total views

Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers matapos isulong ang ‘Zero Remittance Week’.

Ayon kay CBCP-ECMI Vice-Chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos nawa ay pag-isipan itong mabuti ng maraming OFW at hindi na makiisa dahil malaki ang magiging epekto nito sa pamilyang Pilipino.

Ito ay dahil marami ang umaasa sa padalang salapi ng mga OFW upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan.

‘I feel deeply for the plight of our Overseas Filipino Workers, who are often hailed as moder-day heroes for their sacrifices and contributions to our nation, however I must express concern over the proposed ‘Zero Remittance Week’ as a form of protest, while I understand the emotions and frustrations that may have led to this initiative, I urge all involved to reflect on the broader implications of such an action,’ mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo, napakahalaga din ng remittance rate ng mga OFW sa sektor ng pangkalahatang ekonomiya ng Pilipinas.

Inihayag ng Obispo na lubhang maapektuhan ang mga negosyo at manggagawa sa negatibong epekto ng hindi pagpapadala ng remittances.

Apela ni Bishop Santos ang maayos na dayalogo sa pagitan ng mga nagsulong sa inisyatibo at isipin mabuti ang magiging negatibong epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas, higit na sa kanilang mga pamilya o mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

“As a Bishop, I call for unity and dialogue, let us seek peaceful and constructive ways to address our grievances without cause harm to our families,and our nation, I pray for wisdom, and discernment for all involved, that may we find a path and fosters healing and the common good, may we always remember that our strength as a people lies in our compassion and solidarity,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Nagsimula ang mga apela ng ‘Zero Remittance Week’ mula sa mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mapayapang pagpapahayag ng kanilang paninindigan matapos arestuhin ng International Criminal Courty (ICC) ang dating pangulo.

Batay naman sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa 3.24-Billion US Dollars ang OFW Remittance Rate noong January 2025, mas mataas ito 3.15-Billion US Dollars na datos noong January 2024 ngunit mas mababa sa naunang buwan ng December 2024 na umabot sa 3.73-Billions US Dollars.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,847 total views

 15,847 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 85,959 total views

 85,959 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,574 total views

 160,574 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,652 total views

 240,652 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,257 total views

 283,257 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 844 total views

 844 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top