Pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon, panawagan ni Bishop Santos kaugnay sa road rage sa Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,341 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa lahat na pagnilayan ang kahalagahan ng mahabang pasensya at kahinahunan sa bawat pagkakataon.

Kasunod ito ng insidente ng road rage sa Boso-Boso, Antipolo City, Rizal nitong March 30, 2025, na humantong sa pamamaril, kung saan 3 ang sugatan, kabilang ang kasintahan ng suspek, habang isa naman ang nasawi.

Binigyang-diin ng obispo na ang matinding galit ay maaaring humanton sa matinding pinsala sa buhay, na maaaring hindi na maibalik.

“This moment calls for deep reflection on the consequences of anger unchecked—a force that blinds, burns, and leaves lives shattered in its wake,” panawagan ni Bishop Santos.

Hinimok ni Bishop Santos ang lahat na alalahanin ang mga aral ni Kristo–na maging mapagpasensya, maunawain, at mahabagin sa halip na magpadala sa bugso ng damdamin.

Ipinaalala rin ng obispo na ang mga hamon sa araw-araw, tulad ng matinding trapiko sa kalsada, ay susubukin ang pasensya, ngunit maaari ring maging pagkakataon upang ipakita ang kabutihan at pagpipigil sa sarili.

Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa Antipolo City Police, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, para sa mabilis na pagkilos upang mahuli ang suspek at mapanumbalik ang kaayusan.

Dalangin ng obispo na nawa’y manaig ang kapayapaan at kagalingan sa mga apektado ng nangyaring trahedya.

“As we pray for the swift recovery of those injured, let us also pray for the conversion of hearts—may anger give way to peace, and may peace reign in our homes, our roads, and our lives,” dalangin ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 113,546 total reads

 113,546 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 207,573 total reads

 207,573 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 251,842 total reads

 251,842 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 274,951 total reads

 274,951 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 344,840 total reads

 344,840 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,176 total reads

 148,176 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top