Ceasefire sa Myanmar, panawagan ni Cardinal Bo kasunod ng mapaminsalang lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,980 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of Myanmar (CBCM) para sa agarang pagtigil ng labanan sa pagitan ng mga puwersa ng military junta at mga guerilla upang pahintulutan ang malayang pagpasok ng tulong para sa mga biktima ng 7.7 magnitude earthquake noong March 28.

Sa pahayag, sinabi ni CBCM president at Yangon Archbishop Cardinal Charles Maung Bo, na mahalaga ang agarang paghinto ng kaguluhan upang maayos na maihatid ang kinakailangang tulong sa mga biktima ng lindol at ng matagal nang labanan sa bansa.

“We urgently call for an immediate and comprehensive ceasefire by all parties involved in the conflict to ensure the safe and unimpeded delivery of essential humanitarian aid by local and international supporters,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Bo.

Ayon sa CBCM, nakikipag-ugnayan na ang United Nations upang makapaghatid ng suporta sa mga apektado ng umiiral na krisis.

Tiniyak din ng Simbahang Katolika ang patuloy na pagtulong sa mga biktima, at pag-aalay ng panalangin para sa mga nasawi, kabilang ang mga namatay sa lugar-dalanginan tulad ng mga pagoda at mosque.

Nagpasalamat din ang kapulungan ng mga obispo ng Myanmar sa mga mensahe ng pagsuporta at panalangin mula kay Pope Francis, Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, Dicastery for Evangelization Pro-Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, at Vatican Embassy Charge d’Affaires Msgr. Andrea Ferrante.

Batay sa huling tala, umabot na sa mahigit 2,000 ang nasawi, halos 4,000 ang sugatan, at hindi bababa sa 270 ang nawawala matapos ang mapaminsalang lindol.

Kasabay nito, patuloy pa rin ang digmaan sa Myanmar, na kumitil na ng mahigit 6,000 sibilyan at nagpalikas ng higit tatlong milyong katao.

“Such a ceasefire is imperative to address the immediate need for food, medical supplies, shelter, and protection for those affected by both the earthquake and the prolonged conflict,” ayon sa CBCM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 79,070 total reads

 79,070 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 181,091 total reads

 181,091 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 217,879 total reads

 217,879 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 248,454 total reads

 248,454 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,602 total reads

 293,602 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,209 total reads

 58,209 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top