Bagong arsobispo ng Archdiocese of Jaro, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,027 total reads

Humiling ng panalangin si Archbishop Midyphil Billones sa pagsisimula ng kanyang gawaing pagpapastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ng Archdiocese of Jaro.

Sinabi ng arsobispo na higit nitong ipinagkatiwala sa Panginoon ang kanyang tatahaking misyong makilakbay sa pamayanan na kanyang pinagsilbihan mula nang maordinang pari noong 1995 hanggang maitalagang katuwang na Obispo ng Archdiocese of Cebu noong July 2019.

Binigyang diin ni Archbishop Billones na sisikaping isabuhay sa kanyang pagpapastol ang diwa ng synodality upang pagbuklurin ang mananampalataya.

“I put my trust in the Lord, who called me to shepherd the Archdiocese of Jaro. Please pray for me as I gave my surrender,my obedience to the Holy Father and look forward to the journey of the people of God in the archdiocese in the spirit of synodality,” bahagi ng pahayag ni Bishop Billones sa Radio Veritas.

February 2 ng taong kasalukuyan kasabay ng pagdiriwang sa kapistahan ng Nuestra Señora de la Candelaria ang patron ng arkidiyosesis ay hinirang ni Pope Francis si Archbishop Billones bilang ika – 14 na pastol at ikapitong arsobispo ng Jaro kahalili kay

Archbishop Jose Romeo Lazo na nagpastol sa arkidiyosesis mula 2018.

Samantala bagamat retirado na bilang pastol si Archbishop Lazo ay tiniyak nito ang patuloy na pakikilakbay kay Archbishop Billones at ang pagbibigay ng suporta sa mga gawain lalo na sa paghuhubog ng espiritwal na buhay ng mamamayan.

“I will continue journeying with Archbishop Dodong [Billones] and being a companion to him as he goes through his shepherding the local church of Jaro,” ani Archbishop Lazo sa Radio Veritas.

Bilang pastol ng Jaro pangangalagaan nito ang mananampalataya sa lalawigan at lunsod ng Iloilo gayundin ang kristiyanong pamayanan ng Guimaras.

Pormal na nailuklok si Archbishop Billones sa cathedra ng National Shrine of Our Lady of Candles and Jaro Metropolitan Cathedral sa ritong pinangunahan ni Archbishop Lazo katuwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

Tangan ng arsobispo ang kanyang episcopal motto na ‘Domine, Tu Omnia Scis, Tu Cognoscis Quia Amo Te’ na hango sa ebanghelyo ni Juan 21:17 (“Lord, you know all things; you know that I love you!”) na pagpapahayag ng buong puso at katapatang pagtanggap sa misyong iniatang sa kanyang pangangalaga.

Si Archbishop Billones na tubong Panay Capiz ay nagtapos ng Philosophy sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Iloilo City at Theology naman sa Loyola School of Theology habang ang Doctorate in Theology noong 2011 sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 79,081 total reads

 79,081 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 181,101 total reads

 181,101 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 217,889 total reads

 217,889 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 248,464 total reads

 248,464 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 293,611 total reads

 293,611 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top