Jaro Archbishop emeritus Romeo Lazo, nagpapasalamat sa 50-taong pagsisilbi sa pamayanan ng Dios

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,557 total reads

Lubos ang pasasalamat ni Jaro Archbishop Emeritus Jose Romeo Lazo sa Panginoon sa pagkakataong makapaglingkod sa kawan at maging daluyan ng pag-ibig sa pamayanan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng pagiging pari nitong April 1 sa misang pasasalamat na ginanap sa National Shrine of Our Lady of Candles and Jaro Metropolitan Cathedral.

Binigyang diin ng arsobispo na bagamat maraming hamon ang kanyang pinagdaanan sa nakalipas na limang dekada sa ministeryo ay nanatili itong matatag sa pagtupad ng misyon sa tulong ng pag-ibig ng Diyos.

“I am grateful to be chosen, consecrated and sent to love and serve the people of God,” pahayag ni Archbishop Lazo.

Iginiit ni Archbishop Lazo na hindi maisakatuparan ang misyon bilang pari kung walang pag-ibig na nakaugat kay Hesus sapagkat ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ang nagpapatibay sa mga gawaing pagpapastol.

Ang limang dekadang paglalakbay bilang pari ay tanda ng pakikiisa ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pastol sa pamayanan.

“My life as a priest is a journey, a symbol of sandals, and reaching out. A symbol of hands to others, as well as God reaching out to me, or us, with that cross in sight,” dagdag pa ni Archbishop Lazo.

April 1, 1975 nang maordinahang pari ang arsobispo at naglingkod ng halos tatlong dekada sa San Jose de Antique habang 21 taon naman bilang obispo sa tatlong ecclesiastical territories ang Kalibo, Antique at Jaro.

Pinasalamatan ni Archbishop Lazo ang mga pari at mananampalatayang naging kamanlalakbay sa limang dekadang pagiging pari sa Panay Island habang hinimok ang bawat isa na patuloy maglakbay sa diwa ng synodality upang magbuklod ang bawat kristiyano.

Dumalo sa thanskgiving mass ng arsobispo ang mga obispo at pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa kabilang na si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown nagpapasalamat din kay Archbishop Lazo sa taos puso at buong katapatang paglilingkod sa simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 115,840 total reads

 115,840 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 209,867 total reads

 209,867 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 254,137 total reads

 254,137 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 277,245 total reads

 277,245 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 347,042 total reads

 347,042 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top