Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Obispo ng Diocese of Pagadian, itinalaga ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 14,597 total views

Itinalaga nang Kanyang Kabanalan Francisco si Daet Administrator Fr. Ronald Anthony Timoner bilang obispo ng Diocese of Pagadian.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong April 2, alas dose ng tanghali sa Roma habang alas sais ng gabi naman sa Pilipinas.

Matatandaang 15 buwang sede vacante ang diyosesis nang pumanaw si Bishop Ronald Lunas noong January 2, 2024.

Ang 53 taong gulang na pari ay ipinanganak noong 1971, nagtapos ng pilosopiya sa Holy Rosary Major Seminary sa Naga City at theology naman sa University of Santo Tomas.

May 1, 1997 nang maordinahang pari si Bishop-elect Timoner sa Diocese of Daet sa Camarines Norte, ginampanan ang ilang gawain sa iba’t ibang parokya gayundin ang pagiging formator ng Holy Trinity College Seminary ng Daet.

Naging chancellor ng diyosesis sa pamumuno ni Archbishop Gilbert Garcera bago maitalagang arsobispo ng Lipa habang vicar general naman sa panahon ni Archbishop Rex Andrew Alarcon hanggang maitalagang arsobispo ng Naga.

Nang maging sede vacante ang Daet itinalaga ang pari bilang tagapangasiwa at kasalukuyang pinangunahan ang paghahanda sa ordinasyon ni Daet Bishop-elect Fr. Hernan Abcede, RCJ na itinakda sa May 1.

Si Bishop-elect Timoner ang nakababatang kapatid ni Fr. Gerard Francisco Timoner, OP, ang ika – 88 at kauna-unahang Asyanong Masters of the Preachers ng Dominican order.

Ikinatuwa naman ni Pagadian Administrator, Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang pagkatalaga kay Bishop-elect Timoner kasabay ng kahilingang panalangin sa bagong pastol sa mahigit isang milyong katoliko ng Pagadian.

“The Long wait is over. After 15 months , Rome has answered our prayers. People of the Diocese of Pagadian are happy that we have a new bishop. We believe the Lord has gifted the Diocese with a Bishop who has the heart of God. Let’s pray for him,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 2,139 total views

 2,139 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 14,587 total views

 14,587 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 49,761 total views

 49,761 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 57,172 total views

 57,172 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 58,268 total views

 58,268 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top