Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayang Pilipino, hinimok na makiisa sa 2025 Alay Kapwa telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,663 total views

Muling hinihikayat ng Caritas Manila ang mga kapanalig na makibahagi sa 2025 Alay Kapwa Telethon sa darating na Lunes Santo, ika-14 ng Abril 2025.

Ngayong taon, muling makakatuwang ng social arm ng Archdiocese of Manila ang kapanalig na himpilan, Radyo Veritas 846 upang muling kumatok sa mga may mabubuting puso na magbahagi ng tulong para sa mga higit na nangangailangan.

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radyo Veritas, layunin ng taunang telethon na makalikom ng pondo upang masuportahan ang iba’t ibang programa ng simbahan, lalo na para sa mga mahihirap na apektado ng mga sakuna at kalamidad.

Kabilang sa mga makikiisa sa telethon at tatanggap ng inyong mga tawag sa telepono ang mga candidates ng Miss Universe at Mr.Filipinas.

“Layunin ng ating taunang Alay Kapwa Telethon ng Caritas Manila na itaas ang ating pananagutan sa kalagayan ng ating mga kababayang mahihirap, lalo na ang mga apektado ng mga kalamidad–gawa ng tao, gawa ng kalikasan. Suportahan po natin ang ating mga kababayan na matulungan ang kanilang mga sarili,” paanyaya ni Fr. Pascual mula sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga programa ng social arm ng Archdiocese of Manila ang Caritas Damayan, Feeding Program, Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP), Restorative Justice, at Sanlakbay.
Mapapakinggan ang 2025 Alay Kapwa Telethon mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa DZRV846 kHz AM, at mapapanuod sa DZRV846 facebook page, sa Veritas PH YouTube Channel, at sa Veritas TV sa Sky Cable channel 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 22,357 total views

 22,357 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 43,422 total views

 43,422 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 66,444 total views

 66,444 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 105,456 total views

 105,456 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top