Nine days of mourning, inilaan ng Diocese of Cubao kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,666 total views

Naglaan ang Diocese of Cubao ng siyam na araw na pagluluksa sa pagpanaw ng pinunong pastol ng mahigit sa 1.4-bilyong katoliko sa buong mundo.

Sinimulan ang “nine days of mourning” sa misang ini-alay kay Pope Francis sa Immaculate Concepcion Cathedral na pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., noong ika-22 ng Abril, 2025.
Tiwala si Bishop Ayuban na sa kabila ng pagpanaw ng Santo Papa ay ipagpatuloy ng mga mananampalataya at higit na mapatibay ng simbahan ang sinodo.

Ito ay sama-samang paglalakbay bilang nagkakaisang simbahan at church of the poor na sinimulan ni Pope Francis.

“His dreams were not his own but the dream of God, especially in the area of synodality and being the church for the poor ang nasimulan niyang mga magagandang gawain in favor of inclusivity, in favor of synodality, in favor of our common home ay sana maipagpatuloy ng simbahan kahit wala na siya, we do not honor and celebrate the death of a person, we are gathered here today for the celebration of his life,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ayuban.

Ipinapanalangin ng Obispo ang pagtitiwala ng mga mananampalataya sa Espiritu Santo para sa susunod na pinunong pastol ng simbahang katolika upang maisakatuparan ang mga adhikain ni Pope Francis.

“Kaya naniniwala tayo na siya ay kasama sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon and his Death is also a confirmation na validation about what he is truth for, what he fought for in the church, kaya ang magagawa natin sa gitna ng dalamhati at pagluluksa ay sikapin na maipagpatuloy at maisakatuparan yung kaniyang mga pangarap, na pangarap din ng Panginoon,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ayuban.

Tuwing alas-siete ng gabi ay ipinapatunog ang mga kampana sa lahat ng simbahan sa Diocese of Cubao bilang pakikiisa sa pagluluksa ng pagpanaw ni Papa Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,206 total views

 51,206 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,075 total views

 47,075 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,277 total views

 83,277 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,876 total views

 91,876 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,873 total views

 116,873 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top