Pontifical coronation ng birhen ng Fatima de Binakayan, pagpapatibay sa ugnayan sa Mahal na Ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,641 total reads

Binigyang-diin ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria bilang bahagi ng mas malalim na pag-unawa sa pananampalatayang Kristiyano.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Brown sa Banal na Misa kaugnay ng makasaysayang pagkakaloob ng Pontifical Crown sa imahen ng Nuestra Señora del Rosario de Fatima de Binakayan sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Binakayan, Kawit, Cavite, nitong May 1, 2025, Kapistahan ni San Jose Manggagawa.

Ayon sa arsobispo, hindi kailanman magiging sapat ang pagpupuri at debosyon kay Maria, sapagkat siya ang Ina ng Diyos, ng Banal na Grasya, at buong Simbahan.

“There’s a saying, a motto–a kind of slogan–in Catholic theology about Mary which goes like this in Latin: “De Maria numquam satis,” which literally means “About Mary, it is never enough.” What does that mean? We can never say enough about mary. We can never really praise Mary sufficiently because Mary, as I said, is the Mother of Divine Grace. Mary is the Mother of the Savior. Mary is our mother in heaven,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang mga gawing tulad ng Pontifical Coronation ay hindi upang dagdagan ang kaluwalhatian ng Mahal na Birheng Maria, sapagkat siya ay lubos nang niluwalhati sa kalangitan.

Sa halip, ayon kay Archbishop Brown, ito’y makahulugang tanda ng pagmamahal ng kanyang mga anak na sumasagisag ng pananampalataya at taos-pusong pasasalamat ng sambayanang Kristiyano sa mapagkalingang ina.

Dagdag ng arsobispo, sa pamamagitan ng koronasyon sa Mahal na Birhen ng Fatima ng Binakayan, higit pang pinalalalim ng mga mananampalataya ang debosyon, pinatitibay ang ugnayan sa Mahal na Ina, at mas pinalalapit ang sarili sa kanyang Anak na si Hesus.

“A coronation doesn’t add anything to Mary’s glory–she’s in heaven, glorious now, interceding for us. But the coronation for us is like those of you who are parents– especially mothers–when your child, brings you some flowers that he or she has picked from a field, I’m sure it warms your heart as a mother. A pontifical coronation is like that. We are giving simple flowers to Our Lady–and she’s smiling on us,” ayon kay Archbishop Brown.

Nakasama ni Archbishop Brown sa pagkakaloob ng pontifical crown si Imus Bishop Reynaldo Evangelista, kasama ang rektor at kura paroko ng dambana, Fr. Julius de Sagun, at mga panauhing obispo na sina Novaliches Bishop Roberto Gaa at emeritus Bishop Antonio Tobias, at Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., at emeritus Bishop Honesto Ongtico.

Nakibahagi rin sa pagdiriwang ang mga pari, relihiyoso, at mananampalataya ng Diyosesis ng Imus, gayundin ang mga deboto ng Mahal na Birhen mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ginanap na civic reception bago ang Banal na Misa, opisyal na inanunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Kawit na ang Mahal na Birhen ng Fatima ng Binakayan ay kikilanin bilang “Ina at Reyna ng Kawit.”

Ang Mahal na Birhen ng Fatima de Binakayan ang ikatlong imahen ng Mahal na Birheng Maria sa Diyosesis ng Imus na pinarangalan ng pontifical coronation, kasunod ng patrona ng diyosesis, Nuestra Señora del Pilar ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral sa Imus City; at ng Reina de Cavite, Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga, ng Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga—San Roque Parish sa Cavite City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 110,490 total reads

 110,490 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 204,517 total reads

 204,517 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 248,786 total reads

 248,786 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 271,894 total reads

 271,894 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 341,927 total reads

 341,927 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,035 total reads

 148,035 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top