Huwag paniwalaan ang lumalabas sa social media na Papabile Cardinals

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,649 total views

Hinimok ng simbahan ang bawat mananampalataya na makiisa sa pananalangin para sa gaganaping Conclave o paghahalal ng bagong Santo Papa ng College of Cardinals na itinakda sa May 7.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, ito ay bilang tugon na rin sa panawagang inilabas ng mga cardinal na inaasahang magtitipon sa conlave sa Sistine Chapel para maghalal ng bagong pinuno ng simbahan, kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21.

Paalala ni Fr. Gaston, ang pagpili ng bagong pinuno ng simbahan ay hindi isang political exercise kundi isang panahon ng taimtim na panalangin upang biyayayan ang simbahan ng isang lingkod na mamumuno sa buong kawan.

Iginiit pa ng pari na ang panalangin ay hindi lamang para sa mga cardinal kundi misyon ng buong mananampalatayang Kristiyano.

“Ito ang misyon natin ngayon, ipagdasal at araw-araw ang mga cardinal lalo na sa May 7, sa Wednesday pagpaasok nila sa conclave, ipagdasal natin ng mas malakas na kung sana ay maging faithful ang lahat sa pagpili ng bagong santo papa,” ayon sa pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Tagubilin din ng pari sa publiko na huwag maniwala sa mga lumalabas sa social media kaugnay sa mga cardinal na sinasabing mga kandidato, posibleng maging santo papa o papa bile.

Paliwanag pa niya, walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang susunod na pinuno ng simbahan, habang pangunahin layunin naman ng mga media posting sa social media ay magparami ng shares/likes o para sa monetization.

Una na ring nilinaw ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang paghahahal ng santo papa at hindi tulad ng halalan sa Pilipinas.

Sa halip aniya, ito ay isang taimtim na panalangin at pagninilay.

Ibinahagi rin ni Cardinal David sa kayang FB account ang isang panunumpang Latin na ginagamit ng mga Cardinal tuwing boboto sa pagpili ng Santo Papa — isang taimtim na panalangin na humihingi ng patnubay ng Diyos sa pagboto.

“Testor Christum Dominum, qui me iudicaturus est, me eligere in votum quod do illum, quem secundum Deum iudico eligi debere,” ito ay nangangahulugan sa English bilang ““I call as my witness Christ the Lord, who will be my judge, that my vote is given to the one who, before God, I think should be elected.”

Bukod sa gagawing conclave sa May 7, gaganapin naman sa Pilipinas ang Midterm and National election sa May 12, 2025.

Ayon kay Cardinal David, kung ang bawat Katolikong Pilipino ay magkakaroon ng parehong pananaw at paninindigan tuwing sila’y boboto, magdudulot ito ng mas makabuluhang pagbabago sa lipunan.

“Imagine if every Catholic Filipino voter can say the same oath before casting his/her vote in the coming elections?,” ayon pa kay Cardinal David.

Si Cardinal David ay kabilang sa tatlong Filipino cardinal na bahagi ng conclave kasama sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Cardinal Luis Antonio Tagle- Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples. Ito na ang pinakamaraming Filipinong cardinal na magiging bahagi ng paghahahal ng santo papa sa kasaysayan.

Ang tatlong cardinal ay kumakatawan hindi lamang sa bansa, kundi sa malakas na pananampalatayang Katoliko ng mga Pilipino sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,669 total views

 24,669 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,683 total views

 74,683 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,552 total views

 70,552 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,312 total views

 106,312 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,533 total views

 113,533 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top