God father of Church Cooperatives, nagretirong pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,405 total views

Matapos ang 20-taon, opisyal na nagretiro bilang pangulo at Chief Executive Officer ng Radio Veritas 846, Ang Radyo ng Simbahan ang “guru” ng Out the Box strategy na si Rev. Fr. Anton CT Pascual.

Ang pagretiro ni Pascual ay inaprubahan ng Radio Veritas Global Broadcasting System Incorporated Board of Directors sa pangunguna ni BOD chairman Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ika-3 ng Mayo 2025,opisyal namang uupo na Pangulo at CEO ng Radio Veritas kahili ni Fr. Pascual si Rev. Fr. Roy M. Bellen na outgoing Vice President for Operations ng Radyo ng Simbahan na kasalukuyang Team Ministry member ng Sacred Heart of Jesus Parish Makati, Vice-President for Operation ng TV Maria at head ng Archdiocesan Office of Communication ng RCAM.

Sa nakalipas na 20-taong panunungkulan bilang pinuno ng Radyo Veritas, nakamit ng Radyo ng Simbahan ang tunay na identity nito na maging Religious station, maging “crisis station” sa panahon ng iba’t-ibang natural na kalamidad at man made-made calamity gayundin ang pagiging boses ng katotohanan at kalamidad.

Matapos ang glory days dulot ng makasaysayang Edsa People Power bloodless revolution, bukod sa pagiging no.1 faith-based radio station, nakamit ng Radyo Veritas ang no.2 ranking sa unang quarter ng 2025 survey ng KANTAR sa Metro Manila at no.3 naman sa Mega-Manila.

Sa pamumuno ni Fr. Pascual ay napatingkad, naging masigasig at naging pro-active ang pagsusulong ng himpilan sa mga adbokasiya ng simbahan sa pulitika, ekonomiya, kultural at environment.

Ipinatupad ni Fr. Pascual ang “Out of the Box” Strategy sa programming ng Radyo Veritas upang hindi makipagsabayan “head on” sa malalakas at malalaking secular radio station kundi tutukan ang pangangailangan sa turo ng simbahan ng milyun-milyong katoliko.

Dahil sa sin products ban sa Radyo ng Simbahan, itinatag ni Fr. Pascual ang Kapanalig Radio community na mayroong mahigit-kumulang na 30,000 miyembro sa kasalukuyan nagbibigay ng buwanan at taunang pledge na malaking tulong sa patuloy na pagsasahimpaoawid ng himpilan upang ipalaganap ang mabuting balita ay new evangelization hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Sa ilalim ng pamunuan ni Fr. Pascual, napagtagumpayan ng himpilan na maging “information hub” o sentro ng mga impormasyon ng mga kaganapan sa buong simbahan sa Pilipinas.

Sa kanyang pagretiro sa Radyo Veritas, mananatili namang pinuno ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila bilang Executive Director at head Minister ng Ministry on Cooperatives and Social Enterprises Development (MCSED).

Misyon ni Fr. Pascual sa kanyang pagretiro na palakasin at ipalaganap ang kooperatiba sa lahat diyosesis at arkidiyosesis sa Pilipinas.

BASAHIN: Batang Bicolano Priest, bagong pangulo ng Radyo Veritas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 49,529 total views

 49,529 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 72,688 total views

 72,688 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 93,962 total views

 93,962 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 261,700 total views

 261,700 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top