Ipanalangin ang Cardinal electors na makapili ng Santo Papa na naaangkop sa kalagayan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,095 total reads

Hinihikayat ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. ang bawat Katoliko na magkaisa sa pananalangin para sa mga cardinal electors sa pagsisimula ng Conclave ngayong May 7, 2025.

Ayon sa Obispo, mahalagang ipagdasal ang paggabay ng Espiritu Santo sa pagpili gamit ang budhi ng mga cardinal electors sa bagong punong pastol na tunay na makapaglilingkod sa Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Bishop Bacani, nawa sa tulong ng Diyos ay mapili at maihalal ng mga cardinal electors ang Santo Papa na naaangkop para sa kalagayan ng Simbahan at ng buong daigdig sa kasalukuyang panahon.

“Mga minamahal na kapatid, mga Katoliko, hinihiling ko po sa inyo na ipagdasal ninyong mabuti sa Espiritu Santo na talagang tulungang mabuti ang mga cardinal [electors] na makapamili ayon sa kanilang sariling budhi ng tunay na makapaglilingkod sa buong Santa Iglesia Katolika, at ang piliin nila ay yung talagang nararapat na maging [Santo] Papa natin, sa awa ng Diyos nung mga nakaraang maraming taon po ay palagi nalang napaka-gagaling ng ating mga Santo Papang lumipas harinawa po ganyan din ang mangyari sa conclave na ito, ipagdasal po nating mabuti.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Kasalukuyang sede vacante ang Vatican City kung saan naninirahan ang Santo Papa -ang obispo ng Diocese of Rome kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis dahil sa karamdaman noong April 21, 2025.
Sa kasalukuyan, 133 sa 252 mga kardinal sa buong mundo ang kumpirmadong makakalahok sa pagpili ng ika-267 Santo Papa na magpapastol sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko.

Kabilang sa cardinal-electors mula sa Pilipinas sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Vatican Dicastery for Evangelization former Pro-Prefect, Luis Antonio Cardinal Tagle, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 96,713 total reads

 96,713 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 190,743 total reads

 190,743 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 235,011 total reads

 235,011 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 258,120 total reads

 258,120 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 328,836 total reads

 328,836 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top