COMELEC, pinagpapaliwanag sa natuklasang discrepancy ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,409 total views

Humingi ng paumanhin ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagkaantala sa pagpapalabas ng election data reports para sa 2025 National and Local Midterm Elections.

Sa pahayag ng citizen’s arm ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Martes, May 13, 2025, ibinahagi ng PPCRV ang naranasang ‘technical issues’ kagabi matapos makatanggap ng election data bandang alas-8:15 ng gabi, sa iba’t ibang file formats na nagdulot ng pagkaantala sa pagproseso ng datos.

Napansin din ng PPCRV ang hindi pagtutugma ng ‘internal count’ sa mga naunang inilabas na datos mula sa transparency server, kaya minabuting pansamantalang huwag munang maglabas ng resulta upang masuri at matiyak na tama ang mga impormasyon.

“Upon further analysis, we found that our data—though different at the time—was accurate, reflecting proper filtering of duplicate entries. We are now releasing this verified dataset,” pahayag ng PPCRV.

Napansin din na 79.9% lamang ang natanggap na election returns ng PPCRV, kumpara sa inilalabas na 98.75% transmission ng COMELEC sa public access website.

Agad namang nakikipag-ugnayan ang PPCRV sa COMELEC upang linawin ang discrepancy at umaasang agad itong matutugunan.

Paliwanag pa ng PPCRV, ang mga suliraning ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng Random Manual Audit (RMA) na maaaring matukoy kapag may insidente ng overvoting o hindi sinasadyang pagboto.

Gayundin, ang Unofficial Parallel Count (UPC) na magsasagawa ng pagkukumpara sa physical election returns at mga transmitted results upang tiyakin ang tama at tapat na bilang ng mga boto.

Nagsimula na ang auditing ng PPCRV bandang alas-10 ng umaga at umaasang magiging maayos ang resulta sa mga susunod na oras at araw.

“In the spirit of transparency and integrity, we share this explanation with the public. We remain committed to our role as a Citizen’s Arm and will continue to seek clarification and ensure public trust in the process,” ayon sa PPCRV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,238 total views

 226,238 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,461 total views

 256,461 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,105 total views

 283,105 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,078 total views

 378,078 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,492 total views

 384,492 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top