Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,120 total reads

5th Sunday of Easter Cycle C
Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35

Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi lahat. Ganyan naman talaga ang nangyayari sa eleksyon. It divides the house. May mananalo, may matatalo. Pero mga kapatid, tapos na ang eleksyon! Tapusin na rin natin ang pangangampaya. Magtulungan na tayo sa pagpapaunlad ng ating bayan. Huwag na lang natin iasa ito sa mga politiko. Maaaring kinakalimutan na rin nila tayo. Tayo naman talaga ang magsasaayos ng ating kalagayan.

Tapos na nga ang eleksyon. Ngayon na ang panahon sa pagsubaybay sa mga nanalo. Binigyan natin sila ng pagkakataon na maglingkod sa atin. Gagawin ba nila ito? Tandaan natin sinisuweldohan natin sila at ang mga projects nila ay pera natin. Sana hindi nila pagtrayduran ang tiwala natin. Pananagutin natin sila sa susunod na eleksyon, at dahil sa tiwala ng bayan sa kanila, mananagot sila sa Diyos. Hindi nila matatakasan ang mapagpanuring mata ng Diyos.

Ang eleksyon ay isang puwang lang sa buhay natin. Ngayon bumalik na tayo sa pang-araw-araw na buhay natin. Ano ba ang layunin ng pang-araw-araw na buhay natin? Ang bagong langit at ang bagong lupa! Iyan ang pangako sa atin ng Salita ng Diyos sa ating ikalawang pagbasa. Babaguhin ng Diyos ang lahat. Darating ang bagong lungsod ng Jerusalem mula sa langit, gayak na gayak tulad ng babaeng ikakasal. Ito ay ang pananahan ng Diyos sa ating piling. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak at sakit sapagkat lumipas na ang dating bagay. Papahirin ng Diyos ang luha sa ating mga mata. Ito ang ating inaasahan. Dito tayo patutungo. Huwag sana ito mawala sa ating paningin sa ating mga pang-araw-araw na pinagkakaabalahan.

Maaabot ba natin ito? Oo, iyan ang pangako ng Diyos. Hindi lang pangako; iyan ay sinimulan na ng Diyos sa muling pagkabuhay ng kanyang anak. Marami na tayong kapwa at marahil mga kamag-anak at mga kakilala na nandoon na. Nandoon na sila sa Jerusalem na maluwalhati habang tayo ay naglalakbay pa lang patungo doon.

Ano ang daan patungo doon? Sino ang daan patungo doon? Si Jesus mismo. Narinig natin ang maliwanag na salita ni Jesus sa atin noong Huling Hapunan ni Jesus pagkatapos na umalis ni Judas upang ipagkanulo siya: “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo.” Paano naging bagong utos ito? Hindi ba mula pa noong panahon ni Moises sinabi na ng Diyos na magmahalan kayo? Ang lahat naman ng religion ay nagsasabi na magmahal tayo? Kaya paano naging bago ang utos na ito? Narito ang bago. Ipinagpatuloy pang sinabi ni Jesus: “kung paanong iniibig ko kayo, gayun din naman, mag-ibigan kayo.” Ang bago ay hindi na magmahalan tayo. Ang bago ay sa anong paraan at sa anong dahilan.

Sa anong dahilan? Dahil sa iniibig niya tayo! Mga kapatid, iniibig tayo ni Jesus! Naniniwala ba kayo dito? Totoo, iniibig niya tayo. Mga kapatid, hindi lang po sapat na maniwala tayo na may Diyos. Pati ang demonyo ay naniniwala na may Diyos, at nanginginig pa nga siya sa harap ng Diyos! Demonyo siya kasi hindi siya naniniwala na mahal siya ng Diyos. Kristiyano tayo kasi naniniwala tayo na mahal tayo ng Diyos at pinatotohanan ng Diyos ang pagmamahal niya sa atin sa pagbigay sa atin kay Jesukristo, ang kanyang bugtong na anak. Pinatotohanan din ni Jesus ang pagmamahal niya sa ating sa pag-aalay niya sa kanyang sarili sa krus para sa atin. Kaya tayo nagsisimba tuwing Linggo upang alalahanin at ipagdiwang, at ipagpasalamat, ang pag-ibig na ito. At pinagpapatuloy niya ang pagmamahal na ito sa pagbigay niya ng kanyang katawan para sa atin sa Banal na Komunyon. Pagdududahan pa ba natin ang pag-ibig ni Jesus sa atin?

Ang dahilan na magmahalan tayo ay dahil sa mahal tayo ni Jesus, ang bawat isa sa atin. Hindi tayo ang nagmamagandang loob sa pagmamahal natin sa kapwa. Hindi tayo ang unang umibig; tayo ang unang inibig ng Diyos. Dahil sa nag-uumapaw na pag-ibig ni Jesus kaya tayo nag-iibigan. Sino ba naman ako na hindi umibig sa kapwa ko na siya mismo ay iniibig ni Jesus?

Kaya papaano ako umibig? Tulad ng pag-ibig ni Jesus! Sa Huling Hapunan hinugasan ni Jesus ang paa ng mga alagad. Ito ay gawain ng pinakamababang alipin. Nagpakumbaba si Jesus sa paghugas ng paa ng mga alagad niya at sinabi niya na gawin natin ang kanyang halimbawa. Nagmamahalan tayo kung tayo ay nagpapakumbaba na naglilingkod sa iba. Sa Huling Hapunan ibinigay ni Jesus ang kanyang katawan at kanyang dugo para sa atin. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-aalay ng isang tao ng kanyang sarili para sa kanyang minamahal. Tinutularan natin ang pag-ibig ni Jesus kung nagsasakripisyo tayo para sa iba. Ang pag-iibigan na ito ang inaalok sa atin ni Jesus na tularan – mapagkumbabang paglilingkod at pagsasakripisyo para sa iba. Sa ganitong pagmamahalan makikilala tayong mga alagad ni Jesus.

Marami ay nakikilala na sila ay kasama sa grupo dahil sa kanilang uniform, o ID, o password, o kulay ng damit, o senyas na pinagkasunduan. Tayong mga Kristiayono ay makikilala na kasama tayo ni Jesus sa ating pagmamahalan tulad ng pagmamahal niya.

Sana ito ay mapakita din natin na ngayon tapos na ang eleksyon. Hindi ito panahon ng sisihan. Hindi ito panahon ng paghihiganti sa mga nabigyan pero hindi bumoto sa atin. Ito ay panahon na ng pagmamahalan. Magpakumbaba ang mga nanalo – magpakumbaba na maglingkod sa lahat at hindi lang sa mga bumoto kanila. Maging handang magsakripisyo ang lahat alang-alang sa bayan at hindi lang sa ating partido. Sana ang mga isusulong na mga batas at resolusyon ay hindi ayon sa party line o sa kagustuhan ng partido kundi ayon sa ikabubuti ng karamihan. Tapos na ang eleksyon. Magmahalan na tayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 35,357 total reads

 35,357 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 71,166 total reads

 71,166 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 125,000 total reads

 125,000 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 186,815 total reads

 186,815 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 254,555 total reads

 254,555 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 9, 2026

 8,276 total reads

 8,276 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 17,061 total reads

 17,061 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 18,773 total reads

 18,773 total reads 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 24,108 total reads

 24,108 total reads 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »
Scroll to Top