RCAM at CSMC, lumagda sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,134 total views

Muling pinagtibay ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) at ng tanggapan ng Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM) ang Memorandum of Agreement (MOA), kasabay ng pagpapalawak ng mga benepisyong pangkalusugan para sa mga pari at lay employees ng arkidiyosesis.

Kabilang sa mga benepisyo ang karagdagang diskwento sa room and board charges, ancillary tests and procedures, at mga gamot mula sa ospital—na layong bigyang suporta ang mga lingkod ng Simbahan sa pisikal na kalagayan habang patuloy na naglilingkod sa pananampalataya at sa sambayanan.

“This collaboration reaffirms our shared mission to serve with compassion, excellence, and integrity—ensuring that those who dedicate their lives to faith and service receive the quality healthcare they deserve,” ayon sa pamunuan ng CSMC.

Pinangunahan ang MOA renewal signing nina CSMC President and Chief Executive Officer Raul Pagdanganan at RCAM Vicar General and Moderator Curiae Msgr. Reginald Malicdem.

Kasama rin sa nasabing gawain sina Metro Pacific Health Director for Corporate Development Jose Noel de La Paz, CSMC Vice President and Chief Medical Officer Dr. Antonio Say, CSMC Senior Vice President and Chief Financial Officer Marivic Mabuti, RCAM Treasurer Fr. Gilbert Kabigting, at RCAM Minister for Health Care Fr. Arnel Calata, Jr.

“This renewed partnership is a testament to our continuing commitment to caring for those who care for others,” ayon pa sa CSMC.

Ang Cardinal Santos Medical Center (CSMC), na dating kilala bilang St. Paul’s Hospital of Manila, ay itinatag ng Maryknoll Sisters bago pa man ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Lubhang napinsala ng digmaan ang ospital, at isa si Manila Archbishop Rufino Jiao Cardinal Santos sa nagbahagi ng tulong-pinansyal upang muli itong maitayo.

Noong August 15, 1974, muling binuksan ang ospital sa pangalang Cardinal Santos Memorial Hospital, bilang parangal sa kauna-unahang Pilipinong kardinal, na kalauna’y naging Cardinal Santos Medical Center.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 13,886 total views

 13,886 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,900 total views

 63,900 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,769 total views

 59,769 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,951 total views

 95,951 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,062 total views

 104,062 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top