Episcopal ordination ng Diocese of Ipil Bishop-elect, itinakda sa July 29

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,987 total reads

Nakatakdang gawaran ng episcopal ordination sa July 29 si Diocese of Ipil Bishop-elect Glenn Corsiga.

Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes isasagawa ang ordinasyon sa alas nuwebe ng umaga sa Saint Catherine of Alexandria Cathedral Parish.

Ibinahagi ng obispo na magsisilbing Principal Consecrator kay Bishop-elect Corsiga si Zamboanga Archbishop Julius Tonel bilang metropolitan archbishop sa ecclesiastical province kung saan napabilang ang Ipil.

Magsisilbing co-consecrator naman si Bishop Cortes bilang kasalukuyang obispo ng Diocese of Dumaguete kung saan napabilang ang bishop-elect at si Palo Archbishop John Du naman na dating obispo ng Dumaguete habang si Cebu Archbishop Jose Palma ang magbibigay ng homiliya sa pagdiriwang.

Samantala itinakda naman ng Diocese of Ipil ang installation kay Bishop-elect Corsiga sa cathedra ng Cathedral of St. Joseph the Worker sa August 14 sa alas nuwebe ng umaga.

Matatandaang si Bishop-elect Corsiga ang huling naitalaga ni Pope Francis bilang obispo noong April 14, isang linggo bago pumanaw ang dating santo papa noong April 21.

Ang 60-taong gulang na bishop-elect ay nagtapos ng philosophy sa St. Joseph Seminary College sa Sibulan, Negros Oriental at theology sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City.

Pormal na inordinahang pari ng Dumaguete noong December 14, 1993 at ilan sa kanyang mga naging tungkulin sa diyosesis ang pagiging parochial vicar ng St. Catherine of Alexandria Cathedral, Sta. Clara de Montefalco sa Pasay, spiritual director ng St. Joseph Seminary College, at chaplain of St. Paul University – Dumaguete.

Dalawang taong nanilbihang vice chancellor ng diyosesis bagong maging rector ng St. Joseph Seminary College.

Taong 2011 nang gawin itong papal chaplain ni Pope Benedict XVI, naging kura paroko ng St. James the Greater sa Tanjay ng anim na taon at kasalukuyang vicar general ng diyosesis mula 2017 at kura paroko ng St. Augustine of Hippo Parish sa Bacong Negros Oriental mula 2020.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 18,142 total reads

 18,142 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 18,269 total reads

 18,269 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 33,184 total reads

 33,184 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 89,590 total reads

 89,590 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 213,091 total reads

 213,091 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 296,858 total reads

 296,858 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top