Pag-aresto sa 11-katutubo, kinundena ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,658 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, kaugnay ng pagkaka-aresto sa labing-isang katutubong residente ng Barangay Mariahangin sa Balabac, Palawan noong May 15.

Sa pahayag ng pagsuporta, mariing kinundena ni Bishop Mesiona ang pagkakakulong ng mga katutubo na nahaharap sa kasong grave coercion matapos sapilitang dalhin sa Brooke’s Point.

Ayon sa obispo, ang mga inaresto ay karaniwang mamamayan na mapayapang ipinagtatanggol lamang ang karapatang manirahan at maghanapbuhay sa lupang minana mula sa kanilang mga ninuno.

“We stand in solidarity with the indigenous people of Mariahangin, Balabac, in their defense of their right to live peacefully on the lands inherited from their ancestors,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Hinikayat ni Bishop Mesiona ang pamahalaan at mamamayan na kilalanin at igalang ang karapatan ng mga katutubo, at iginiit na hindi sila dapat ituring na kriminal dahil lamang sa pagtatanggol ng kanilang tahanan, kabuhayan, at kultura.

Nananawagan din ang simbahan at mga grupong tagapagtanggol ng karapatang pantao para sa makatao, at makatarungang pakikitungo sa mga inaresto, at hinihikayat ang mga ahensya ng pamahalaan na suriin ang insidente sa konteksto ng karapatang pantao at social justice.

“These individuals are ordinary people who simply seek to protect their right to live and work their lands. Therefore, we express our condemnation of the treatment of these eleven residents of Mariahangin,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Matagal nang kinikilala ang Barangay Mariahangin bilang lupaing ninuno ng mga katutubong grupo, tulad ng Molbog at Cagayanen, ngunit sa mga nagdaang taon ay nagkaroon ng mga alitan kaugnay ng pang-aagaw ng lupa at mga usaping legal sa paninirahan ng mga katutubo sa kanilang lupain.

Tinatayang nasa 96 na pamilya ang naninirahan sa Sitio Mariahangin, kung saan 12 pamilya rito ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 23,696 total reads

 23,696 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,350 total reads

 110,350 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,089 total reads

 157,089 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 204,961 total reads

 204,961 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 307,753 total reads

 307,753 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,538 total reads

 168,538 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top