Pagkakasundo sa pamilyang Duterte, hangarin ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,880 total reads

Muling ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan niya at ng pamilyang Duterte, sa kabila ng mga lumalalang tensyon sa pulitika.

Ayon sa Pangulo, mas nais niyang pairalin ang pagkakasundo kaysa alitan. Iginiit niya na wala siyang interes sa pagkakaroon ng dagdag na kaaway sa pulitika, at mas pinahahalagahan niya ang pagkakaroon ng mga kaalyado.

“Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan,” ayon sa pahayag ng Pangulo sa isang podcast interview.

Sa gitna ng mga isyu at hidwaan, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng katatagan at kapayapaan sa bansa. Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang isang maayos na kapaligiran ang susi upang epektibong maipatupad ang mga plano at programa ng pamahalaan.

Sinabi rin niya na bukas siya sa anumang hakbangin para maibsan ang alitan sa pagitan ng magkakaibang panig sa pulitika.

Binigyan diin pa ni Marcos Jr. na handa siyang makipagtulungan kahit sa mga hindi niya kaalyado sa mga polisiya, basta’t maiwasan lamang ang gulo at pagkakawatak-watak.

“Hanggat maaari, ang habol ko ‘yung stability, peaceful, para magawa namin ang trabaho namin. Lagi akong bukas sa ganiyan. I’m always open to any approach,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Nanawagan siya sa lahat ng lider na pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng bansa, sa halip na magpatuloy sa bangayan. Aniya, kahit may pagkakaiba-iba sa paniniwala at pamamaraan, mas mainam na magtulungan para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,185 total reads

 112,185 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,385 total reads

 188,385 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,833 total reads

 221,833 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,132 total reads

 257,132 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,249 total reads

 479,249 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top