Military Ordinariate, nagpahayag ng suporta sa bagong PNP Chief

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,879 total views

Ipinahayag ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang kanyang taos-pusong pagbati at buong suporta sa bagong itinalagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Nicolas Torre III.

Ayon kay Bishop Florencio, kaisa siya at ang mga chaplain ng PNP sa pamumuno ni Gen. Torre, at handang sumuporta sa bagong PNP Chief sa pamamagitan ng panalangin at espiritwal na gabay.

Dagdag pa ng Obispo, mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na moral at ispiritwal na pundasyon sa hanay ng mga pulis, lalo na sa gitna ng mga hamon sa pagpapatupad ng batas at paglilingkod sa sambayanan.

“To our new PNP Chief, Maj. Gen. Nicolas Torre III, our heartfelt congratulations to your new appointment as Chief PNP. The PNP chaplains and myself, the Bishop of the Military Ordinariate, rally behind your leadership. We shall support you through our prayers. May God keep you always in His loving embrace. Our snappy salute, Sir,” ayon sa mensaheng ipinadala ng obispo sa Radyo Veritas.

Binanggit din ni Bishop Florencio ang kahalagahan ng pagkakaisa ng Simbahan at ng PNP upang mapanatili ang disiplina, integridad, at malasakit sa kapwa sa loob ng organisasyon.

Tiniyak niya na ang pamunuan ng Military Ordinariate ay laging handang tumulong upang mapanatili ang matibay na ugnayan sa pagitan ng pananampalataya at serbisyo publiko.

Ipinaabot din ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbati kay Torre sa pagkakatalaga bilang pinuno ng PNP.

Sinabi ni Romualdez na sa kabila ng matinding pagsubaybay ng publiko at political pressure ay nanatiling matatag si Torre sa pagpapatupad ng batas at pagsasagawa ng mga sensitibong operasyon.

“General Torre’s steady hand in critical situations shows he is not only unafraid to act, but also committed to doing so within the bounds of the law. That kind of leadership is rare, and exactly what the police force needs today,” ayon kay Speaker Romualdez.

Si Torre ay itinalaga bilang bagong hepe ng PNP noong Mayo 29, 2025, at inaasahang opisyal na magsisimula sa kanyang tungkulin sa Hunyo 2, 2025, kapalit ni Gen. Rommel Marbil na magreretiro sa Hunyo 7, 2025.

Ang bagong hepe ng PNP ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1993, ay dati nang humawak ng mga mahahalagang posisyon sa PNP gaya ng pagiging district director ng Quezon City Police District at regional operations head ng National Capital Region Police Office.

Matatandaang si Torre, bilang direktor ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nanguna sa operasyon para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, na nahaharap sa mga kasong human trafficking at sexual abuse.

Pinangunahan din ng heneral, ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 146,222 total views

 146,222 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 168,332 total views

 168,332 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 241,483 total views

 241,483 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 233,787 total views

 233,787 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top