Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mangingisda, kinilala ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

 5,382 total views

Kinilala ng Stella Maris Philippines ang mga Mangingisdang Pilipino sa paggunita sa National Fisherfolks Day tuwing May 31.

Ayon kay Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos, ito ay dahil sa katangi-tanging pakikiisa ng mga mangingisda sa pagtataguyod ng ekonomiya at pagsusuplay ng pagkain para sa mga Pilipino.

Higit na sa mga ito ay ang katangian ng tunay na pakikiisa sa pangangalaga ng mga karagatan ng Pilipinas.

“As we reflect on your vocation, we recall the example of our Lord Jesus Christ, who called His disciples from the shores and blessed their humble work. He walked with fishermen, shared their burdens, and transformed their lives, showing us the sacred nature of this calling. In your daily struggles and triumphs, may you always find comfort in His presence and strength in His love,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pakikiisa sa mga Mandaragat at Mangingisdang Pilipino upang mapaigting ang mga hakbang na papalakasin ang apela ng sektor tungo sa pagkamit ng dignidad sa kanilang hanapbuhay.

Kasabay ito ng patuloy na pananalangin at pag-aalay ng misa para sa kanila upang matiyak na nasa maayos ang kanilang kalagayan higit na ng kanilang mga pamilya tuwing naglalayag upang makapangisda.

“Stella Maris—the guiding Star of the Sea—continues to illuminate your path, protecting you from harm and leading you toward safe shores. On this special day, let us reaffirm our commitment to uphold the dignity of every fisherfolk, to advocate for fair and just working conditions, and to care for the seas that provide for us all, may the Lord bless you abundantly, grant you calm waters, bountiful harvests, and a future filled with hope,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ngayong taon, itinalaga ng Department of Agriculture ang pagdiriwang ng National Fisherfolk Day sa temang “Makabagong Magsasaka at Mangingisda, Susi sa Masaganang Bagong Pilipinas” upang higit na kilalanin ang mga mangingisda sa bansa.

Sa kabila nito higit na kinakailangan ng mga mangingisda ang tulong mula sa simbahan, higit na mula sa pamahalaan dahil sa mga pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, nananatili ang mga mangingisda bilang isa sa mga pinakamahihirap na manggagawa sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 11,866 total views

 11,866 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 30,437 total views

 30,437 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 55,877 total views

 55,877 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 66,678 total views

 66,678 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 5,971 total views

 5,971 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 5,973 total views

 5,973 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567