Pagpapalakas sa pamilya, tutukan ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,273 total views

Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Leon XIV na mahalagang tutukan ng simbahan ang pagpapalakas ng mga pamilya na buhay na kasapi ng Mistikong Katawan ni Kristo.
Sa pagdiriwang ng Jubilee for Families, Children, Grandparents, and the Elderly kamakailan pinagnilayan ng Dicastery for Laity, Family and Life kasama ng mga eksperto ang temang “Evangelizing with the Families of Today and Tomorrow: Ecclesiological and Pastoral Challenges.”

Ayon sa santo papa malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga pamilya lalo na ng mga magulang upang maisalin sa mga susunod na henerasyon ang pananampalataya at kadakilaan ng Diyos.
Gayunpaman batid ni Pope Leo ang mga kaakibat na hamong kinakaharap ng mga pamilya lalo na ang mga makamundong bagay na humahadlang upang makatugon sa tawag ng pagmimisyon.

“What drives the Church in her pastoral and missionary outreach is precisely the desire to go out as a “fisher” of humanity, in order to save it from the waters of evil and death through an encounter with Christ,” ani Pope Leo.

Kabilang sa tinukoy ng punong pastol ang mga mapanlinlang na uri ng pamumuhay ng tao na kadalasang sanhi upang mawalan ng saysay ang pananampalataya gayundin ang maling paggamit ng social media at iba pang teknolohiya na kadalasang nagdudulot ng panganib bunsod ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon na ikinasisira ng kapwa.
Tinuran ni Pope Leo na kinakailangang maging aktibo ang mga pamilya sa pagmimisyon sa simbahan at lipunan bilang mga mabubuting halimbawa sa pag-aaruga at paglago sa buhay pamilyang nakaugat sa pag-ibig ng Panginoon.


“Perhaps many young people today who choose cohabitation instead of Christian marriage in reality need someone to show them in a concrete and clear way, especially by the example of their lives, what the gift of sacramental grace is and what strength derives from it. Someone to help them understand “the beauty and grandeur of the vocation to love and the service of life” that God gives to married couples (SAINT JOHN PAUL II, Familiaris Consortio, 1),”
dagdag ng santo papa.

Sa Pilipinas batay sa pag-aaral ng National Demographic and Health Survey noong 2022 tumaas sa 19 porsyento ang mga babaeng edad 15 – 49 ang nasa live-in arrangement sa halip na tumanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal.

Ayon naman sa Statista sa pagitan ng 2021 hanggang 2023 bumaba sa 31.4 percent ang nagpapakasal sa simbahang katolika kumpara sa 32.8 percent noong 2022.
Kaugnay nito hinimok ni Pope Leo ang mga obispo, pari at layko na magtulungang kumilos at makiisa sa misyon bilang ‘fisher of families.’

“In this situation, it is the responsibility of the Bishops, as successors of the apostles and shepherds of Christ’s flock, to be the first to cast their nets into the sea and become “fishers of families.” Yet the laity are also called to participate in this mission, and to become, alongside ordained ministers, “fishers” of couples, young people, children, women and men of all ages and circumstances, so that all may encounter the one Saviour,’ dagdag pa ni Pope Leo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 24,213 total views

 24,213 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 45,194 total views

 45,194 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 67,622 total views

 67,622 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 240,910 total views

 240,910 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 216,811 total views

 216,811 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top