Lumalalang epekto ng climate crisis, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,332 total views

Nagpaalala si Fr. Marlito Ocon, SJ, head chaplain ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH), hinggil sa lumalalang epekto ng krisis sa klima matapos muling bahain ang paligid ng ospital noong hatinggabi ng June 8.

Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Fr. Ocon ang kanyang pagkabigla at pagkadismaya sa muling pagbaha sa loob ng compound ng PGH, sa kabila ng mga linggong taglay ang matinding init ng panahon.

Iginiit ng pari na hindi simpleng usapin ng masamang panahon ang pangyayari, kundi malinaw na senyales ng patuloy na lumalalang pagbabago ng klima at ng kakulangan ng agarang tugon mula sa pamahalaan.“PGH grounds at 12:00 midnight, baha na naman. Nasaan na ang flood control projects? Ang init-init, as in init ng panahon sa loob ng mga nakaraang linggo, tapos bigla na lang bumaha. This pattern of extremes—searing heat followed by sudden deluge—leaves people in a constant state of crisis. Vulnerable populations suffer the most, trapped in a cycle of displacement, loss, and rebuilding with little support,” pahayag ni Fr. Ocon.

Ayon pa sa paring Heswita, na ang ganitong mga sitwasyon ay patuloy lamang na magpapalala ng kalagayan ng mga mahihirap at mahihinang sektor kung hindi agad kikilos ang pamahalaan at ang sambayanan upang tugunan ang sanhi ng climate crisis.

Muling binigyang-diin ni Fr. Ocon ang pangangailangang pabilisin ang pagpapatupad ng flood control projects at mga hakbang para sa climate adaptation at resilience, lalo na sa mga pampublikong ospital at pasilidad na kritikal sa panahon ng sakuna.

“This is not just bad weather—it is a symptom of a changing climate and our failure to address the problem. This crisis is growing more dangerous each year. Without urgent action, these extremes will only intensify, deepening the suffering of those already on the edge,” ayon kay Fr. Ocon.

June 2 nang opisyal na ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, kung saan tinatayang nasa 11 hanggang 19 bagyo ang inaasahang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Samantala, ginugunita rin ngayong Hunyo ang 37th Philippine Environment Month na may temang “Ending Global Plastic Pollution,” na layong paigtingin ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga ng kalikasan, kabilang ang pag-iwas sa paggamit ng plastic na isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 18,289 total views

 18,289 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 88,402 total views

 88,402 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 163,016 total views

 163,016 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 243,094 total views

 243,094 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 285,536 total views

 285,536 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top