Obispo, dismayado sa pagtalikod ng Senado sa mandato ng Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,601 total views

Dismayado si 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa ginawa ng Senado na pagbabalik ng articles of impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon sa Obispo, ang pagbabalik ng Senado ng articles of impeachment sa House of Representatives ay malinaw na isang pagtalikod sa kanilang tungkuling litisin si Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment proceedings na una ng isinumite ng Kongreso sa Senado.

Paliwanag ni Bishop Bacani, maituturing na kasabwat ang mga Senador sa patuloy na tangkang maantala at maisantabi ang paglalahad ng katotohanan mula sa mga alegasyon ng katiwalian at iba pang kaso laban sa Bise Presidente.

“The Senate in sending back the article of impeachment to the House of Representative is clearly shirking its duty to try immediately the case already forwarded to it. They are complicit in the scheme to deny or at least delay justice. Why all these delaying tactics?” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi Bishop Bacani, nakadidismaya ang pagpapabaya ng mga Senador sa kanilang tungkuling sinumpaan sa ilalim ng Konstitusyon.

Umaasa naman ang Obispo na makonsensya ang mga Senador na bumoto upang ibalik ang articles of impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at maisaisip ng mga ito ang kapakanan ng bayan at ng taumbayan sa halip na ang kanilang pansariling interest pampulitika.

“To say the least the Senate has been sadly remiss in its Constitutional duty… Ma-konsensya nawa kayong [mga Senador na] bumoto to remand the article of impeachment to the House of Representatives. Isipin ninyo ang bayan at hindi ang inyong sariling political interest.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Iginiit ni Bishop Bacani, mas maituturing ang 18 mga senador na bumoto upang ibalik sa Kongreso ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente na Senador ni Duterte sa halip na senador ng mamamayang Pilipino na bumoto at naghalal sa kanila sa posisyon sa Senado.

Ayon sa Obispo, marapat lamang na tuwinang ipabatid sa publiko kung sino ang 18 mga Senador na ito na tila mas naglilingkod para kay Duterte sa halip na para sa kapakanan ng taumbayan.

“The senators who voted to remand to the House of Representative the article of impeachment look more like the senators of Duterte than of the Filipino people. Please publish their names repeatedly.”

Sa tala, ang 18 senador na bumoto at pumanig sa inihaing mosyon ni Sen. Alan Peter Cayetano na ibalik ang impeachment complaints ng bise presidente sa Kongreso ay sina Cayetano, Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Revilla, Imee Marcos, JV Ejercito, Bong Go, Loren Legarda, Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Pia Cayetano, Lito Lapid, Cynthia Villar, Mark Villar, Juan Miguel Zubiri, Raffy Tulfo, at Chiz Escudero.

Ang lima na hindi sumang-ayon sa nasabing mosyon ay sina Sen. Koko Pimentel, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Grace Poe, at Sherwin Gatchalian.

Matatandaang Pebrero 5, 2025 nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas.

Kabilang sa mga sinasabing kaso laban sa Bise Presidente ay ang paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil sa tiwala ng publiko, pandarambong, katiwalian sa kaban ng bayan at iba pang krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 35,101 total views

 35,101 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 41,230 total views

 41,230 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 71,372 total views

 71,372 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 91,251 total views

 91,251 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 110,737 total views

 110,737 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 7,729 total views

 7,729 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 7,642 total views

 7,642 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top