Panalangin at pagkakaisa, panawagan ng Pari sa desisyon ng Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,485 total reads

Nanawagan ng panalangin, pagkakaisa, at pananagutan si Fr. Flavie Villanueva, SVD sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Isang prayer service ang ginanap sa loob ng House of Representatives nitong Hunyo 9, kaugnay na rin sa inaantabayanang impeachment trial laban sa Pangalawang Pangulo, kung saan nagkasundo ang mayorya ng mga senador-bilang impeachment court sa botong 18-5 na ibalik sa Kamara ang reklamo.

Sa kanyang mensahe, inihalintulad ni Fr. Villanueva, SVD ang kasalukuyang kalagayang politikal sa mga pangyayari sa buhay ni Kristo — kung paanong si Hesus ay ipinagkanulo, pinatay, at muling nabuhay. Giit niya, sa panahon ngayon, “namamayani rin ang diablo” sa anyo ng katiwalian, karahasan, at pag-abuso sa kapangyarihan.

Si Fr. Villanueva ay bahagi ng nagsampa ng ikatlong impeachment laban kay VP Duterte, at founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center na nangangalaga sa mga balo at naulila ng mga biktimang pinaslang sa ilalim ng giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Project Paghilom.

“Winasak ang tiwala, binaboy ang dangal ng buhay, pinatay ang mga naghahanapbuhay, at binastos ang Saligang Batas,” ayon kay Fr. Villanueva sa kanyang pagninilay.

Tinuligsa rin ng pari ang mga aniya’y “makabagong Pariseo, Hudas, Herodes, at Pilato” — mga taong nasa poder ngunit ginagamit ang batas para protektahan ang sarili at supilin ang katotohanan.

Gayunpaman, iginiit niya na hindi nawawala ang pag-asa, dahil sa mga makabagong propeta at mabubuting pastol na patuloy na naninindigan para sa katotohanan at katarungan.

“Tayo’y dumudulog sa pananampalataya — dito tayo humuhugot ng lakas, dito natin kinukuha ang pag-asa,” dagdag pa ng pari.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga mananampalataya at mambabatas na huwag hayaang baluktutin ang proseso ng impeachment.

Giit ng pari, ito ay laban hindi lamang para sa batas kundi para sa kinabukasan ng kabataan at ng bayan.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,925 total reads

 60,925 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,932 total reads

 139,932 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,377 total reads

 173,377 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,675 total reads

 208,675 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,743 total reads

 432,743 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top