EILER, nanawagan sa kongreso na isabatas ang 200-pesos na wage hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,184 total reads

Nakiisa ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa panawagan na isabatas ang 200-pesos wage hike para sa mga manggagawa sa kabila tuluyang pagsasantabi ng House Bill (HB) No. 11376 a “Wage Hike for Minimum Wage Workers Act” sa kongreso.

Ayon sa EILER President Renan Ortiz, sa kanilang pag-aaral ay kakayanin at hindi ikakalugi ng mga kompanya ang pagpapataas sa suweldo ng mga manggagawa.

“Sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng Senado na pagwawalang-bahala sa PhP 200 na panukalang umento sa sahod,” ayon sa mensahe ni Ortiz.

Ayon sa EILER, base sa kanilang pag-aaral sa Annual Survey of Philippine Business and Industry 2022 ng Philippine Statistics Authority (PSA) aabot lamang sa 13% hanggang 17% ang mababawas sa kabuoang kita ng mga kompanya at Micro Small Medium Enterprises (MSME) kung maisabatas ang naisantabing panukala.

“Mali rin ang sinasabi ng mga malalaking korporasyon na natural na resulta ng umento sa sahod ang pagtaas ng presyo. Mangyayari lamang ito dahil ipapasa ng mga korporasyon sa consumer ang dagdag gastos mula sa umento sa sahod. Ibig sabihin, tataas ang presyo hindi dahil sa umento sa sahod mismo kundi dahil sa interes ng malalaking korporasyon na mapanatili ang laki ng kanilang tubo. Sa katunayan, hindi pa tumataas ang sahod, matarik na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” Bahagi pa ng mensahe ni Ortiz.

Hunyo ng tuluyang maisantabi sa kongreso ang panukala na unang naipasa sa Senado noong Pebrero sa bersyon nitong Senate Bill No. 2534 o P100 Daily Minimum Wage Increase Act of 2024.

Kaugnay nito, una ng umapela ang Church People – Workers Solidarity na kasabay ng kahalagahan ng kagyat na pagsasabatas ng panukala ay mahalagang isaalang-alang ng pamahalaan ang kalagayan ng mga MSME upang maiwasan ang pagkawala ng trabaho dahil sa posibilidad ng pagkalugi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,913 total reads

 120,913 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,242 total reads

 154,242 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,386 total reads

 186,386 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,449 total reads

 252,449 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,937 total reads

 263,937 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top