Tungkulin ng bawat Kristiyano ang maging tagapamayapa-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,260 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na maging tagapamagitan at tagapagtaguyod ng kapayapaan sa lipunan.

Iginiit ng obispo na ang karahasan sa pagitan ng Israel at Iran ay hindi lamang banta sa katatagan ng Middle East kundi sa kalagayang pangkapayapaan ng buong mundo.

Sinabi ni Bishop Santos bilang mga kristiyano ay tungkulin ng bawat isa na maging instrumento ng pagkakasundo at ipanalangin ang mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“The conflict between Iran and Israel is not just a political struggle—it is a human tragedy. As Christians, we are called to be peacemakers, to be aware of the suffering of others, and to intercede for those caught in the grip of war and violence,”
pahayag ni Bishop Santos.

Batid ng obispo na pawang pagkasira ng pamayanan ang idinudulot ng mga digmaan kung saan kadalasang apektado ang mga inosenteng sibilyan.

“We cannot turn a blind eye to the pain of our brothers and sisters in the Middle East. Their suffering is our suffering, and their longing for peace must be our prayer,” giit ni Bishop Santos.

Sa ikaapat na araw ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa muling naglunsad ng pag-atake ang Israel laban sa Iran sa kabila ng panawagang de-escalation ng international communities.

Sa datos nasa 224 Iranian ang nasawi sa pag-atake ng Israel noong June 13 kabilang ang anim na matataas security chief ng bansa at mahigit sa 1, 400 katao ang nasugatan habang sa Israel nasa 13 katao na pawang sibilyan ang nasawi sa pagganti ng Iran.

Dahil dito hiniling ni Bishop Santos sa mananampalataya na magkaisang manalangin para sa kapayapaan at pag-asang umiral ang pagkakasundo ng mundo.

“As followers of Christ, we must stand firm in our commitment to peace, justice, and reconciliation. We must pray fervently, advocate for dialogue, and extend our compassion to those affected by war,” dagdag ni Bishop Santos.

Una nang hiniling ng Kanyang Kabanalan Leon XIV ang dayalogo sa pagitan ng mga magkatunggaling panig at magkasundong isulong ang pagbubuklod upang umiral ang kapayapaan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,484 total reads

 43,484 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,514 total reads

 93,514 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,385 total reads

 141,385 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,334 total reads

 245,334 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,222 total reads

 329,222 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top