Pagbagsak ng Air India, wake-up call sa Pilipinas na ilayo sa komunidad ang mga paliparan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,105 total reads

Naniniwala si Military Ordinariate of the Philippines Chancellor and Spokesman Rev. Fr. Harley Flores na ang pagbagsak ng isang eroplano ng Air India ilang sandali lamang matapos itong mag-takeoff ay isang paalala sa kapahamakang dulot ng aksidente hindi lamang sa himpapawid kundi maging sa mga sibilyan at komunidad.

Ayon sa Pari, ang pagbagsak ng nasabing eroplano sa isang residential area ay isang paalala sa kapahamakang dulot ng mga sakunang panghimpapawid maging sa mga inosenteng sibilyan.
Paliwanag ni Fr. Flores, ang mga sakunang panghimpapawid ay hindi lamang nakapagdudulot ng kapahamakan sa mga pasahero ng eroplano kundi maging sa mga komunidad sa paligid ng paliparan.

“The recent incident of an Indian aircraft crashing into a congested residential area is a sobering reminder that aviation mishaps don’t just affect those in the air, they devastate lives on the ground. Ironically, passengers may survive, but it is the innocent civilians in their homes below who suffer the most.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores.

Pagbabahagi ng Pari, nawa ay magsilbing aral ang naganap na sakunang panghimpapawid sa India sa pangangasiwa ng Pilipinas sa kaligtasang panghimpapawid sa bansa.

Partikular na pinuna ni Fr. Flores ang sitwasyon sa paligid ng NAIA Terminals 1, 2, and 3 na pawang napapaligiran rin ng mga residential area, paaralan at iba’t ibang mga establisyemento.
Iginiit ng Pari na napapanahon na upang seryosohin ng pamahalaan ang kalagayan ng mga inosenteng sibilyan sa mga kalapit na komunidad ng mga paliparan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kanilang kaligtasan mula sa anumang sitwasyon o sakunang panghimpapawid.

Ayon kay Fr. Flores, dapat ng pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang paghahanap ng alternatibong lugar kung saan mas may katiyakan ang kaligtasan ng lahat.

“This should serve as a wake-up call for the Philippines. NAIA Terminals 1, 2, and 3 are surrounded by dense communities, schools, and businesses. One accident could lead to an unspeakable tragedy. It’s time we seriously consider decongesting and decentralizing our air traffic. Developing new international gateways or fast-tracking alternatives like Bulacan or Sangley is not just about convenience, it’s about safety and foresight. Let’s not wait for disaster to happen.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Matatandaang ika-12 ng Hunyo, 2025 ng bumagsak sa residential area sa labas ng paliparan ang Air India Flight AI-171 ilang minuto matapos itong mag-take off mula sa Sardar Vallabhbhai Patel international airport.

Sa kabuuang 241 na mga pasahero ng eroplano ang nasawi habang iisang lamang ang nakaligtas sa naganap na trahedya, kung saan umaabot na rin sa 29 ang nasawing mga sibilyan matapos itong bumagsak sa isang medical college hostel sa residential area sa labas ng paliparan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,249 total reads

 112,249 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,445 total reads

 188,445 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,893 total reads

 221,893 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,192 total reads

 257,192 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,309 total reads

 479,309 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top