Synod on Synodality report, agenda sa ika-130TH CBCP Plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,003 total reads

Tatalakayin ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas ang resulta ng Synod sa ika-130th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lalawyan ng Bohol.

Ito ang ibinahagi sa Pastoral Visit on Air sa Radyo Veritas ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace kaugnay sa pagtitipon ng kalipunan sa darating na ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025.

Ayon sa Obispo na siya rin ng pangulo ng Caritas Philippines, kabilang sa gawaing nakahanay para sa retreat ng mga Obispo na nakatakda sa unang araw hanggang ika-apat na Hulyo, 2025 ang pakikipagtalakayan sa Synodal Team ng bawat diyosesis at sub-regions ng mga Metropolitan provinces.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na nakasalalay sa magiging talakayan ang pagbubuo ng national team ng synod ng mga panuntunan para sa pagsasakatuparan ng mga pagbabago sa pamamahala sa Simbahan bilang isang ganap na Simbahang Sinodal.

“Imbitado namin hindi lang ang mga Obispo, kung hindi yung mga synodal team sa bawat dioceses or sub-regions ng ating mga metropolitan provinces… Kasama naming sila from all over in the Philippines kaya malakihan itong grupo, from July 1 hanggan July 4. Conversation in Spirit – parang retreat, in the spirit of a retreat, pag-uusapan ang resulta ng Synod at paano natin ma-implement sa ating mga Simbahan… Pagkatapos nito ang mangyayari, ang national team ng synod will now come up ng mga guidelines.” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Partikular na tinukoy ni Bishop Bagaforo, ang inaasahang higit na pagsusulong sa aktibong partisipasyon ng mga layko sa mga gawaing pang-Simbahan kabilang na ang pangangasiwa dito.

Inaasahan ring matatalakay sa nakatakdang 130th Plenary Assembly ang pagkakaroon ng higit na partisipasyon ng mga kababaihan sa Simbahan bilang pagsasakatuparan ng isang ganap na Simbahang Sinodal.

“Isa siguro yung pagbabago in the governance, yung pagpapatakbo ng simbahan, more involvement of the lay people. Hindi lang sa mga council kung hindi actual governance talaga, for example pagpili ng mga pari in the ordination of the priest, well lalong-lalo na sa administrative na function ng ating simbahan – involvement of lay people will be important there, yung mga role ng mga women, titignan on how we will be involve more women sa ating Simbahan.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ang Synod on Synodality ay inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco na layuning isulong ang sama samang paglalakbay ng Simbahan tungo sa nag-iisang hangarin at misyon.

Itinakda ng CBCP ang pagtitipon ng mga pastol ng Simbahan sa June 30 hanggang July 7 na isasagawa sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Bohol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 116,604 total reads

 116,604 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 192,594 total reads

 192,594 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 226,042 total reads

 226,042 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 261,341 total reads

 261,341 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 483,300 total reads

 483,300 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top