Kamara, suportado ang panawagang #OpenBicam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,828 total views

Ipinahayag ng liderato ng Kamara ang buong suporta sa panawagan na buksan sa publiko ang mga deliberasyon ng bicameral conference committee, bilang bahagi ng mas malawak na reporma sa proseso ng pambansang badyet sa nalalapit na pagbubukas ng ika-20 Kongreso sa Hulyo.

Layunin ng kampanyang #OpenBicam na gawing bukas at transparent ang huling bahagi ng deliberasyon ng Kamara at Senado sa pambansang badyet—isang yugto na kadalasang hindi na nasasaksihan ng publiko.

Kabilang naman sa iminumungkahi ni House Speaker Martin Romualdez, ang pagla-livestream ng bicam hearings upang mabigyan ng real-time access ang publiko at iba’t ibang sektor, at mapalalim ang kanilang pag-unawa at pagsusuri sa paggamit ng pondo ng bayan.
“Transparency and accountability must be the cornerstones of the budget process,” ayon kay Speaker Romualdez.

“I support the move to make bicameral conference committee discussions open to the public. This is a crucial step in restoring public trust and ensuring that the national budget truly reflects the will and welfare of the people.”

Iginiit din ng pinuno ng Kamara na ang mga repormang naisulong noong ika-19 na Kongreso, lalo an ang pagpapasa ng mga panukalang nagpapalakas sa transparency at accountability, ay nagsilbing matibay na pundasyon para sa mas bukas na pamamahala.
Tiniyak din niya ang pakikipagtulungan sa mga kasamahan sa Kamara at Senado upang maisabatas at maging bahagi ng institusyon ang adbokasiyang #OpenBicam.

Bilang panawagan, hinikayat ni Romualdez ang mga civil society organizations, akademya, media, at bawat mamamayan na aktibong makilahok, makinig, at magsubaybay sa buong proseso ng pagbuo ng pambansang badyet, bilang bahagi ng kanilang karapatan at responsibilidad bilang mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,443 total views

 47,443 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,312 total views

 43,312 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,514 total views

 79,514 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,220 total views

 88,220 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,510 total views

 113,510 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top