Bishop Jorge Barlin Golden Cross awardee, nagpapasalamat sa CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,176 total reads

Lubos ang pasasalamat ni Bahay ng Diyos Foundation Inc Foundress Noemi Saludo sa Bishop Jorge Barlin Golden Cross Award na iginawad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Saludo hindi nito inaasahang pararangalan at kilalanin ang kanyang gawain at adbokasiyang tumulong sa pagtatag ng mga kapilya at simbahan sa buong bansa.

Binigyang diin nitong mas paiigtingin ang kanyang hangaring matulungan ang kristiyanong pamayanan na magkaroon ng bahay dalanginan at makahikayat pa ng ibang indibidwal na handang maglaan ng panahon, talento at yaman para sa pagtatayo ng mga simbahan.

“Ako po ay nagpapasalamat sa CBCP lalo na sa permanent council who selected me as the awardee for this year. My mission is always to look for more benefactors to come in to help the chapels, especially those who are in remote areas who don’t have the means,” pahayag ni Saludo sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit ni Saludo na ang kanyang misyon sa BDF ay para tulungan ang mahihirap na komunidad sa kanayunan na nangangailangan ng tulong lalo na sa lugar kung saan magbubuklod ang pamayanan para sa pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.

Sa ikalawang araw ng CBCP Retreat at National Synodal Consultations pinangunahan ni CBCP President, Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang pagparangal kay Saludo sa misang pinangunahan sa Cathedral Shrine-Parish of Saint Joseph sa Tagbilaran City, Bohol.

Nanindigan si Saludo na mananatili ang kanyang misyon at adbokasiyang lingapin ang mahihirap na komunidad sa pagtatag ng mga simbahang makatutulong sa espiritwalidad ng mamamayan.

“Yung mga mahihirap nating kapatid na nalalayo sa Diyos kailangang tulungan na magkaroon ng simbahan nang sa ganun sa panahon ng kanilang kahirapan makakalapit sila at may kanlungan na tahanan ng Diyos,” dagdag ni Saludo.

Ang BDF ay non-profit organization sa Pilipinas na pangunahing misyong tumulong sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga simbahan at iba pang liturgical spaces sa bansa.

Unang tinulungan ni Saludo ang rehabilitasyon sa isang simbahan sa Pangasinan noong 2006 habang sa unang limang taon ng BDF ay umabot sa 43 simbahan ang naisaayos sa buong bansa kung saan 70 porsyento sa kabuuang kakailanganing pondo ang ibibigay ng foundation at ang nalalabing 30 porsyento naman ang sasagutin ng mga nasasakupang pamayanan.

Ang Bishop Jorge Barlin Cross Award ay ipinangalan ng CBCP sa kauna-unahang paring Pilipino na itinalagang obispo at iginagawad sa mga layko at lingkod ng simbahang may natatanging gawaing ginampanan sa buhay at misyon ng simbahang katolika sa Pilipinas.

Ilan sa mga tumanggap nito sina Atty. Sabino Padila, Jr.; Fr. James Reuter, SJ; Fr. Anscar Chupungco, OSB; Atty. Mariua Concepcion Noche; at, Fr. Sebastiano D’Ambra, PIME.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 16,656 total reads

 16,656 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 16,783 total reads

 16,783 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 30,445 total reads

 30,445 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 86,851 total reads

 86,851 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 210,352 total reads

 210,352 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 294,239 total reads

 294,239 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top